Ang Vitamin D at ang halaga nito sa katawan ng tao. Ang Vitamin D ay kilala din bilang ‘sunshine vitamin’. Dahil dito, agad na naiisip ng marami ang magpa-araw upang magkaroon ng Vitamin D nang hindi alam kung ano ito at ano ang halaga nito?
Basahin din: Intermittent Fasting (IF), ang Sagot sa Epektibong Pagpapayat!
Ang halaga ng Vitamin D
Ang halaga ng Vitamin D sa katawan ng tao ay essential sa pangkabuuang kalusugan. Ang Vitamin D ay nagsisilbing parehong nutrient at hormone na ginagawa ng katawan. Napakahalagang tama at sapat na Vitamin D ay malaking tulong sa maayos na pag-absorb ng calcium at phosphorus sa ating katawan kaya napapanatili nito ang matibay nating buto at ngipin.
Napatunayan din sa maraming pag-aaral na ang sapat na Vitamin D ay proteksyon sa ibat ibang sakit tulad ng Cancer, Type 1 Diabetes and Multiple Sclerosis. Nakakatulong ito sa immune system, sa inflammation at kahit sa pagpapababa ng blood pressure. Nagsasaayos ang bitaminang ito ng insulin levels. Tumulong din sa maayos na function ng lungs and cardiovascular health. At nag-papa-improve ng brain function at nagprorprotekta laban sa brain cancer.
Saan makukuha ang Vitamin D?
Ang natural na araw kapag tumama sa ating mga balat ay nakatutulong sa produksyon sa katawan ng vitamin D. Ito ay sa umagang pagsinag ng araw, mula 7am hanggang 9am. Tandaan na ang sobrang exposure naman sa araw naman ay maaaring magdulot ng skin aging at skin cancer.
May iba pang dalawang paraan para makakuha ng bitamina D, bukod sa pamamagitan ng balat. Ito ay mula sa diet, at sa mga dietary supplements.
Basahin din: Maagang mga sintomas ng Diabetes: Alamin at huwag balewalain!
Narito ang ilang mapagkukunan ng Vitamin D:
- Cod Liver Oil n amula sa atay ng isadang cod
- Tuna
- Salmon
- Gatas
- Margarina
- Sardinas
- Atay
- Pulang itlog
Kakulangan ng Vitamina D
Ang kakulangan naman ng Vitamin D sa katawan ay maaaring magsanhi ng pagnipis at pagrupok ng mga buto, paglambot at pamamaluktot ng mga buto (rickets) sa mga bata at maagang pagrupok ng mga buto (osteomalacia) sa matatanda.