Maagang mga sintomas ng Diabetes: Ang kalusugan ay maituturing na isang yaman. Ang pagkakaroon ng malusog at malayo sa sakit na pangangatawan ay nagpapahintulot na marating natin ang ating mga pangarap sa buhay. Kung kaya importante na magkaroon ng kamalayan sa maagang mga sintomas ng diabetes upang ito ay maagapan. Nasa panganib ba ang kalusugan? Partikular kung isang OFW na karaniwang matiisin sa bawat sakit na nararamdaman at halos walang oras upang magpatingin sa duktor. Alamin at huwag balewalain ang mga posibleng maagang mga sintomas ng diabetes.
Basahin din: Paano maiiwasan ang dengue sa Italya? Alamin ang mga hakbang ng Ministry of Health
Ano ang Diabetes?
Ano ang diabetes? Ang diabetes ay isang kondisyon na nagpapahina sa kakayahan ng katawan na maproseso ang glucose sa dugo, kilala bilang isang blood sugar. May dalawang uri ng diabetes: “insulin dependent” o Type 1 Diabetes at “Non-insulin dependent” o Type 2 Diabetes. Karaniwan sa mga diabetic, lalo na ang mga may type 2 diabetes, ay kadalasan na hindi nakakaranas ng mga sintomas. Nalalaman lamang ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa dugo. Hindi katulad ng diabetes 1 na mabilis na lumabas ang mga sintomas.
Mga sintomas ng Diabetes
Narito ang mga sintomas anuman ang uri ng diabetes. Ito ay upang maagang mabigyan ng lunas at mabawasan ang panganib ng seryosong komplikasyon. Basahin ang mga sumusunod na sintomas.
- Madalas na pag-ihi katulad ng paggising sa kalagitnaan ng gabi upang pumunta sa bagno.
- Pagkauhaw o polydipsia na hindi nawawala kahit pagkatapos uminom
- Gutom kahit pagkatapos kumain ng mabigat
- Pagbaba ng timbang sa kabila ng labis na pagkain
- Dry skin tulad makati at tuyo, nangangaliskis, o bitak na balat
- Mga sugat na hindi gumagaling
- Panlalabo ng paningin
- Pamamanhid o malamig na pakiramdam ng paa
- Panghihina at pananakit ng ulo
- Madaling kapitan ng impeksyon tulad ng fungal infection
- PCOS o Polycystic Ovary Sydrome
- Gums problem
Ayon kay Doktora Leni-lee Chua, internal medicine doktor, sa VRP Medical Center sa isinagawang webinar sa theAsianparent Philippines “Ang pagkakaroon ng diabetes ay kadalasang, walang sintomas. Kaya hanggang maaari ay kailangan mo magpakonsukta sa iyong bloodsugar sa iyong doctor”.
Mahalagaang tandaan: Iwasan ang mag-diagnose sa sarili. Kung mapapansin ang mga sintomas na ito, huwag mag-atubili na kumonsulta at talakayin ang mga ito sa iyung duktor.
Basahin din: Ano ang Vitamin D at ano ang halaga nito sa katawan ng tao?
Source: Diabetes Symptoms