Skip to content
Home » Bagong taon, bagong trabaho sa isang bagong bansa? Aling bansa sa Europa ang may pinakamataas na minimum wage 2024?

Bagong taon, bagong trabaho sa isang bagong bansa? Aling bansa sa Europa ang may pinakamataas na minimum wage 2024?

24/01/2024 19:28 - INI-UPDATE 07/02/2024 16:32
minimum wage Europa 2024

Ang pinakamataas na minimum wage sa Europa 2024– Nagpaplano bang lumipat ng ibang bansa sa Europa para magtrabaho at lumipat kasama ang pamilya? Bago ito, mas makakabuting alamin at tuklasin bago lumipat ang minimum wage sa Europa 2024, partikular kung anong bansa sa Europa ang may pinakamataas na minimum wage.

Bagaman maraming mga bansa sa Europa ang walang national minimum wage ito ang kontinente na may pinakamaraming bansa na high-paying countries sa buong mundo. Ang Denmark, Sweden, Norway, Finland at Iceland, ay walang national minimum wage. Ang Switzerland, ay walang statutory minimum wage, kasama ang mga bansang Italy at Austria. Partikular, ang mga collective contract ang nagtatalaga ng minimum pay sa iba’t ibang sektor. 

Mahirap ihambing ang mga minimum wages sa mga Europa dahil bukod sa local currency, ang ilang mga bansa ay tumutukoy sa monthly minimum wage, ang iba ay tumutukoy sa minimum wage per hour. At  may mga bansa tulad ng United Kingdom, Ireland at Netherlands, na naka depende ang minimum wage sa edad ng empleyado.
Basahin din: Magkano ang kinikita sa Italya? Narito ang average salary sa iba’t ibang propesyon?

Anong bansa sa Europa ang may pinakamataas na minimum wage 2024? 

Ang bansang kasalukuyang may pinakamataas na minimum wage sa Europa at sa buong mundo ay ang Luxembourg. Para sa mga skilled worker na may edad 18 pataas, ang pasahod ng mga employer na hourly minimum salary ay € 17.83. Samantala, ang monthly minimum salary ay € 3,085.11 (€ 2,570.93 para sa mga unskilled manggagawa na over 18).

Minimum wage Europe

Mga bansa sa Europa kung saan may pinakamataas na minimum wage 2024

  • Germany: Ngayong January 2024, ang national minimum wage sa Germany ay tumaas sa € 12.41 per hour. Inaasahan ang karagdagang pagtaas sa €12.82 sa June 2025.
  • Ireland: Ang mga empleyado sa Ireland ay tumatanggap ng minimum pay rate per hour na € 12.70 (valid para sa mga workers na may edad na 20 pataas).
  • France: Ang kasalukuyang minimum wage sa France ay € 1,766.92 per hour, na katumbas ng minimum pay per hour na € 11.65.
  • Netherlands: Ang statutory minimum wage sa Netherlands ay kasalukuyang nasa € 13.21 per hour para sa mga empleyadong may edad na 21 pataas. Ito ay inaasahang mababago tuwing anim na buwan.
  • Switzerland: Bagaman walang national minimum wage sa Switzerland, apat na canton ang nagtakda ng sarili nilang mga minimum wage. Sa katunayan, simula Janaury 1, 2024, ang kabuuang halaga ng minimum salary sa Geneva ay CHF 24.32 (noong 2023 ay CHF 24). Ang mga sektor ng agrikultura at floriculture ay hindi kasama, kung saan ang minimum salary ay iba. Sa dalawang sektor na ito, ang minimum na sahod noong 2023 ay CHF 17.6 at mula Enero 1, 2024 ito ay CHF 17.87.

Basahin din: Colf at caregivers, magkano ang increase sa minimum wage ngayong 2024?

Narito ang mga minimum wage sa mga bansa sa Europa: 

  • Belgium – € 1994,18 per month
  • Croatia – € 840,00 per month 
  • Cyprus – € 1000,00 per month 
  • Czech Republic: CZK 18,000 per month 
  • Estonia – € 820,00 per month
  • Greece – € 780,00 per month & € 34,84 per day
  • Hungary – HUF 266,800 per month & HUF 326,000 per month for professional workers
  • Latvia – € 700,00 per month
  • Lithuania – € 924,00 per month & € 5,65 per hour
  • Poland – PLN 4,242 per month
  • Portugal – € 820,00 per month
  • Romania – RON 3,300 per month
  • Slovakia – € 750,00 per month 
  • Slovenia – € 1203,36 per month
  • Spain – € 1,080
    Basahin din: Nais magkaroon ng sariling bahay sa Italya? Ilang taon ng sahod ang kailangan?

Source: European Commission