Magkano ang kinikita sa Italya? Sa Italya, ang usapin ukol sa sahod ay sentro ng maraming usapin at diskusyon, partikular kung magkano ang kinikita ng mga professional figures tulad ng mga doktor, nurse, engineer hanggang sa mga nagtatrabaho sa bar. Isang bagay na isinasaalang-alang ng maraming mga kabataan sa pagpili ng propesyon sa kinabukasan. At isang bagay na mahalaga din para sa mga nagta-trabaho na upang malaman ang sariling sitwasyon, kung sahod ang pag-uusapan. Basahin at alamin ang ang mga average salary ng iba’t ibang propesyon sa Italya.
Basahin din: Bagong taon, bagong trabaho sa isang bagong bansa? Aling bansa sa Europa ang may pinakamataas na minimum wage 2024?
Ano ang average salary sa Italya?
Batay sa 2023 edition ng Job Pricing Observatory, ang average annual gross salary sa Italya ay €30,284. Ito ay mas mataas kaysa sa Spain (€ 27,404), ngunit mas mababa kaysa sa France (€ 40,170) at Germany (€44,468).
Gayunpaman, ayon sa pinakahuling yearly report ng INPS, 23% ng mga manggagawa ang kumikita ng mas mababa sa €780 kada buwan, na nangangahulugang tumaas ang pagitan mula sa mababa at mataas na sahod, lalo na’t 1% lamang ng mga mas may mataas na sahod ang nakaranas ng pagtaas.
Magkano ang kinikita sa Italya?
Average salary ng Doktor
Malaki ang pagkaka-iba ng average salary ng mga doktor, depende kung nagtatrabaho sa public o private sector, dependerin sa haba ng serbisyo at sa espesyalisasyon. Para sa isang doktor sa public hospital, ang sahod ng mga intern ay nasa pagitan ng €1,700 at €1,800. Gayunpaman, sa kaso ng isang doktor sa ospital, ang sahod ay nasa pagitan ng €2,000 at €3,000 kada buwan. Kailangan ding idagdag ang mga night shifts, bakasyon, atbp. Gayunpaman, ang monthly salary ng head ay mas mataas at umaabot ng higit sa € 4,500 kada buwan.
Average salary ng Nurse
Ang isang nurse na nagta-trabaho sa public sector sa Italya ay may yearly salary batay sa collective health care agreement para sa taong 2016-2018, na maaaring magkahalaga mula € 23,074 hanggang € 27,990 gross income yearly. Ang average monthly salary ng isang nurse ay humigit-kumulang na € 1,900 gross income.
Average salary ng Engineer
Ayon sa Almalaurea, ang isang engineering graduate ay kumikita ng average net salary na €1,674 kada buwan, limang taon matapos ang graduation. Gayunpaman, ang salary ay malaki ang pagkakaiba depende sa partikular na sektor ng aktibidad, pati na rin kung nagtatrabaho bilang professional o bilang empleyado ng isang kumpanya. Ang yearly gross income ay maaaring magbago depende sa haba ng serbisyo at mula €25,000 hanggang €39,000.
Average salary ng Warehouse worker
Ang mga manggagawa sa warehouse, na kasalukuyang mataas ang demand dahil sa pagiging patok ng e-commerce at ang patuloy na pagiging mahalaga ng logistics, ay kumikita ng humigit kumulang na €1,300 net salary monthy, na umaabot sa €23,000 kada taon. Gayunpaman, nag-iiba ang sahod depende sa haba ng serbisyo, mga responsibilidad, at bilang ng oras (ang part time ay kumikita ng halos €900).
Basahin din: Colf at caregivers, magkano ang increase sa minimum wage ngayong 2024?
Average salary ng Bartender
Ang monthly salary ng isang bartender ay maaaring umabot mula €700 hanggang €1,000, na may malaking pagkakaiba depende kung ang trabaho ay sa isang maliit o malaking bar, sa isang North o sa South Italy. Sa kaso ng mga specialized employees na nakatapos ng vocational course, ang sahod ay maaaring tumaas hanggang sa €1,800 o higit pa.
Magkano ang kinikita ng Project Manager?
Isang mahalagang personalidad para sa mga kumpanya pagdating sa pag-abot at pagsubaybay sa mga resulta na gustong makamit, ang isang project manager ay maaaring humingi ng taunang gross salary na nasa pagitan ng €30,000 hanggang €50,000, na maaari pang madagdagan ng iba’t ibang mga benepisyo ng kumpanya. Gayunpaman, maaaring tumaas nang malaki ang sahod, hanggang higit sa €70,000, sa paglipas ng mga taon ng experience at mga isinagawang tungkulin.