Skip to content
Home » Mahilig ka bang mag-kape? Gaano karaming kape ang maaring inumin?

Mahilig ka bang mag-kape? Gaano karaming kape ang maaring inumin?

01/03/2024 17:04 - INI-UPDATE 01/03/2024 17:04

Mahilig ka bang magkape? Ang mga benepisyo at epekto ng pag-inom ng kape!. Sarap mag-kape, ‘di ba? Pero, bago mabighani sa amoy at lasa nito, alamin muna, bukod sa mga benepisyo, ang mga hindi kanais-nais na epekto ng sobrang pag-inom nito.
Basahin din: Maagang mga sintomas ng Diabetes: Alamin at huwag balewalain!

Gaano karaming kape ang maaring inumin? Ang mga benepisyo ng pag-inom ng kape.

Una, alam mo bang ang regular na timpla ng kape ay may kasamang mga benepisyo? Bukod sa kakayahan nitong gisingin tayo at ihanda para sa isang buong araw, nakakapagpasigla ito ng utak at nagpapabuti sa alertness at memorya.
Ang kape ay mayaman sa caffeine at may iba pang gamit ang kapeina sa katawan. Puwede itong pangunang lunas sa sakit ng ulo, hika, at mababang presyon ng dugo. Pati sa pagbawas ng timbang at diabetes mellitus, may tulong rin ang kapeina.
Nakakatulong din ito para mapababa ang mga bantang dulot ng sakit sa puso. Pero, dapat malaman ang tamang dalas at dami ng pag-inom ng kape.
Napatunayan ng mga mananaliksik na ang regular na pag-inom ng kape ay may potensyal na makabawas sa posibilidad ng coronary heart disease lalo na sa mga kababaihan.
Isa pang magandang epekto ng kape sa katawan ay ang pagbaba ng bantang dulot ng diabetes. Pinaniniwalaang ang caffeine ay may epekto sa kung paanong ginagamit ng ating katawan ang insulin.
Ang pag-inom ng kape ay nakita ring nakapagpapababa ng banta ng pagkakaroon ng Alzheimer’s at Parkinson’s Disease. Ang caffeine ay sinasabing nakapagpapahinto ng mga receptors sa utak na nagiging dahilan ng cognitive decline.
Gayunpaman, mahalagang isaalang-alang na ang benepisyong ito mula sa kape ay posible lamang kung ang pagkonsumo ay nasa moderasyon o tamang dami. Dapat limitahan ang pag-inom sa mga 200 hanggang 300 milligrams. Ito ay mga dalawa hanggang apat na tasa at ito ay hindi nakakaapekto sa kalusugan. Basahin din: Benepisyo ng Paglalakad sa Kalusugan: Gaano ang dapat ilakad ng isang tao para maging malusog ang katawan?

Ang mga di kanais-nais na epekto ng sobrang pag-inom ng kape

Kapag umabot na ang pagkonsumo ng kape sa 400 milligrams pataas o mula limang tasa pataas, ay maaaring magdulot na ito ng mga hindi kanais-nais na epekto sa katawan. Kaya, ingat lang sa pag-inom at bawal ang labis nito. Ang sobrang pag-inom ng kapeina ay maaaring makasama sa kalusugan.
Ang sobrang pag-inom ng kape ay nakapagpapataas ng banta ng sakit sa puso. Ito ay nangyayari dahil ang caffeine ay nakapagpapataas ng presyon ng dugo. At ito ay nagdudulot ng pagbilis ng pagtibok ng puso.
Isa sa mga bantang naiuugnay sa sobrang pag-inom ng kape ay ang kanser. Natuklasan na ang pag-inom ng kape na may temperaturang naglalaro sa 60 degrees celsius ay nakapagpapataas ng banta ng esophageal cancer.
Ang pag-inom ng kape ay maaaring makapagpataas ng banta ng pagkakaroon ng heartburn, anxiety, madalas na pag-ihi, at palpitation.
Isa pang posibleng problematikong epekto ng kape sa katawan ay ang kahirapan sa pagtulog o insomnia.
Maaari ding magdulot ito ng pagkairita. Hindi lang ‘yan, puwedeng magkaroon din ng pangangasim ng sikmura.
At sa pinakamasamang sitwasyon, maaaring magdulot ito ng kamatayan.
Kaya’t siguraduhing hindi aabot sa 100 tasa ng kape o katumbas ng 70 energy drinks, dahil ‘yun ang nakamamatay na dosis.
Kaya, bilang paalala, iwasan ang sobrang pag-inom ng kapeina. Mas mabuti pa rin na ang pagkonsumo ay nasa moderasyon o tamang dami para sa iyo at sa iyong kalusugan.