Ang WhatsApp ay isa sa pinakakilala na app sa buong mundo, at ngayon ito ay naging target ng mga scammers at cyber scammers. Isa sa mga paraan ng ginagamit ngayon ng mga cyber criminals ay ang pagtawag gamit ang isang international number na wala sa iyong Contacts upang ikompormiso ang seguridad at privacy ng mga user nito. Napakahalaga na alam kung papaano mare-recognize agad ito upang protektahan ang ating mga datas at maiwasan na mahulog tayo sa mga tricks o bitag ng scam.
Basahin din: Investment Scammers, target ang mga OFWs sa Italya. Narito ang mga modus operandi
Narito ang mga Iwas-scam tips
Huwag i-download o i-click ang isang suspicious o kahina-hinalang link, maaari itong isang โmalwareโ at magsilbing โspywareโ. Sa pamamagitan nito maaring matrak ang lokasyon, online activity, passwords at iba pang sensitibong impormasyon na target ng mga cyber criminals.
Makakatanggap ng isang internasyonal na numero sa whatsapp sa pamamagitan ng isang VPN o Virtual Private Network. Gumagamit ang VPN ng isang uri ng โvirtual bridgeโ (jargon as a tunnel) na sa pamamagitna nito ay nagagamit ang credentials ng biktima tulad ng username at password at nagkukunwari sa gamit na identity ng biktima. (Ipagpatuloy ang pagbabasa, pagkatapos ng larawan).
Dahil dito sa pamamagitan ng isang โtawagโ ang mga cybercriminals ay maaaring umatake sa pamamagitan ng pag-access sa bank accounts. Maaaring ma-access ng mga cybercriminals ang mga files na nagtataglay ng mga dokumento na maaaring gamitin ang pagkakakilanlan sa mga fraud transactions. Maaari ding gamitin mga larawan ng bitkima upang i-black mail na kung hindi magbibigay ng hihingin nilang halaga ng salapi ay ipo-post nila ito sa โsocial networkโ na makakaepekto sa propesyon at reputasyon. Maari din nila itong i-edit at akusahan ng pagpapadala ng mga sexual videos sa mga menor de edad kahit ito ay gawa-gawa lamang. Sa mga panahon ngayon na laganap ang artificial intelligence, kapag nakatanggap ng tawag mula sa isang internasyonal na numero (na makikilala ito kung ang prefix ay mula sa โforeign countryโ) ang payo ay huwag itong sagutin.
At kung makatanggap at na i-dentify na isang scam mainam na i-update o i-udjust agad ang privacy setting, gumamit ng two-step verification upang mas matibay ang seguridad. Huwag ng ipagpatuloy ang pakikipag-usap i-report at mag file ng complaint sa pulisya, baguhin lahat ang passwords ng social network na nakaopen sa telepono, sapagkat maaari silang magkaroon ng access dito at ipublish ang mga confidential na larawan. Laloโt higit ang mga apps na may kaugnayan sa iyong โonline bankingโ. Tandaan na ang pinakatarget ng mga scammers ay makapagnakaw ng pera sa iyong bank accounts. Basahin din: Magkano ang kinikita sa Italya? Narito ang average salary sa ibaโt ibang propesyon?