Skip to content
Home » Nais magkaroon ng sariling bahay sa Italya? Ilang taon ng sahod ang kailangan?

Nais magkaroon ng sariling bahay sa Italya? Ilang taon ng sahod ang kailangan?

03/02/2024 12:00 - INI-UPDATE 05/02/2024 13:19
taon ng sahod sa pagbili ng bahay sa Italya

Ilang taon ng sahod ang kailangan para makabili ng sariling bahay sa Italya? Bagaman ang puhunan ay pawis, pagod at pagtitiis, ang pagkakaroon ng sariling bahay ay ang pangarap ng marami sa Italya, Italyano o dayuhan man. Ito ay isang pangarap na tila unreachable na sa panahon ng matinding krisis sa ekonomiya: hanggang langit ang mga presyo ng real estate sanhi ng mataas na gastusin sa mga materyales ng konstruksyon at idagdag pa ang mataas na halaga ng labor market.
Basahin din: Idoneità alloggiativa, ano ito at bakit ito mahalaga?

Kaya’t subukan nating alamin at kalkulahin kung ilang taon ng sahod ang kailangan upang makabili ng sariling bahay sa isang bansa kung saan ang sahod ay hindi na tumaas simula noong dekada 90. 

Ang ginawang research ng Ener2Crowd.com, isang Italian platform para sa environmental crowdfunding, ay pinag-aralan at sinuri ang average period na kinakailangan panahon sa pagbili ng bahay sa Italya.

Sitwasyon sa Italya: Ang pagbili ng bahay

Ang research ay nagbigay ng detalyadong pag-aaral sa sitwasyon ng 107 cities sa Italya batay sa mga impormasyon ng ISTAT o Italian National Institute of Statistics, ukol sa saving capacity, average amount ng mga bahay noong March 2023 at ang average period upang makabili ng isang bahay na 100 sq meters. Ang mga resulta ay nagpakita na ang panahong kinakailangan sa pagbili ng isang bahay ay nadoble kumpara noong dekada 70; panahon kung kailan ang isang laborer na may monthly salary ng £ 50,000 (halos €500,00 sa kasalukuyan) ay makakabili ng isang apartment sa sentro ng lungsod sa halos 20 taon. Sa panahon ngayon ay kakailanganin ang doble ng panahong nabanggit o higit pa sa 40 taong sahod. Dito pa lamang ay makikita na ang isang mahalagang aspeto. Para sa mga kabataan na ang unstable ang trabaho, sakaling magkaroon ng sariling bahay ay halos habang buhay na mababaon sa utang! 
Basahin din: Magkano ang kinikita sa Italya? Narito ang average salary sa iba’t ibang propesyon?

Ilang taon ng sahod ang kailangan sa pagbili ng sariling bahay sa mga lungsod sa Italya? 

Ang bilang ng taong sahod na kinakailangan sa pagbili ng sariling bahay sa mga mga pinakamahal na lungsod sa Italya: 

  • Milan – 50,3 taon
  • Lucca – 51,3 taon
  • Savona – 55,6 taon
  • Bolzano – 63,1 taon. 

Ang average period sa pagbili ng bahay ay bumababa sa mga sumusunod na lungsod:

  • Firenze – 49,3 taon
  • Sassari – 49,1 taon
  • Imperia – 43,3 taon
  • Grosseto – 46,6 taon
  • Rimini – 44,5 taon
  • Roma at Aosta – 43,7 taon

Samantala sa mga lungsod kung saan mababa ang presyo ng mga bahay tulad ng Biella (€60,900) at Caltanissetta (€69,200), ang average period para magkaroon ng sariling bahay ay 9,6 taon at 12,4 taon. 

Italian regions kung saan mahaba ang average period sa pagbili ng sariling bahay

Batay pa rin sa pag-aaral, ang Trentino Alto Adige ay ang rehiyon kung saan pinakamahaba ang average period para makabili ng sariling bahay: 50 taong sahod! Sinundan ito ng Valle d’Aosta, 43.7 taon; Toscana, 40.7 taon. Ang Liguria at Lazio ay kasama din sa top 5 na may 40,4 taon at 39,7 taon ng sahod para magkaroon ng sariling bahay, habang ang Sardegna ay may 39,4 taon at ang Lombardia na may 33,6 taon. 

Source: ISTAT