Skip to content
Home » Air fryer, bagong paraan ng pagpi-prito nang walang mantika! Tunay bang ‘mas healthy’? 

Air fryer, bagong paraan ng pagpi-prito nang walang mantika! Tunay bang ‘mas healthy’? 

22/02/2024 23:54 - INI-UPDATE 22/02/2024 23:54
Air fryer mas healthy  

Air fryer, bagong paraan ng pagpipirito nang walang mantika! Ang popularidad ng air fryer ay hindi na maikakaila. Ito ay dahil hindi nakakarumi ng kusina, halos walang amoy na naiiwan at mas healthy ito kumpara sa tradisyonal na paraan ng pagpipirito na nakalubog sa mantika. Sa air fryer, sapat na ang isang fan na nagpo-produce ng mainit na hangin at ang pagluluto, bukod sa mabilis ay tila tunay na prito. Tunay bang ‘mas healthy’ ang mga pagkaing luto sa air fryer?
Basahin din: Maagang mga sintomas ng Diabetes: Alamin at huwag balewalain!

Air fryer, tunay bang ‘mas healthy’? 

Ngunit sigurado bang ang air fryer ay nagluluto ng mas healthy na pagkain? Sa ngayon, kailangan munang tukuyin ang kahulugan ng “healthy o malusog”. Ang pagkaing prito ay nag-aabsorb ng mantika, kahit ito ay prito sa labas lang, o nakalubog sa mantika, ang kaloriya ng pagkain ay ang dapat isaalang-alang. Sa isang air fryer, ay hindi kailangan ang mantika, ngunit sino nga ba ang hindi gustong magkaroon ng malutong at halos sunog na pagkain?
Kung hindi gusto ang mag-prito nang walang anumang bakas ng mantika, sa ganitong kaso, ihambing natin ang isang chiicken nugget na nakalubog sa kumukulong mantika at chicken nugget na niluto sa air fryer, at marahil ang pangalawang nabanggit ay mas kaunti ang kaloriya. Subalit paalala, ang agham ay hindi sumasang-ayon sa resulta ng pagluluto ng pagkain sa high temperature – tulad sa mga air fryer, pati na rin ang mga oven na nasa 150° – sa tema ng idrokarbono at acrylamide, dalawang kemikal na maaaring mapanganib umano sa kalusugan. Ngunit tulad ng anumang bagay, may positibo at negatibo!

Air fryer, saan nagmula?

Lahat ng ito ay dahil sa isang Dutch na napakahilig sa fried potatoes.  Noong 2005, sa isang coworking na tinatawag na Creative Campus, sa isang distrito (Bolderweg, sa tabi ng ilog Caart) sa lungsod ng Almere, ang ikawalong pinakamalaking lungsod sa  Netherlands – si Mr. Fred Van der Weij, matapos ang ilang prototype, (ilan ay matagumpay, ang ilan naman ay hindi) ay naka-imbento ng air fryer. 
Sa totoo lang, hindi ito isang tunay na frier. Isipin na lamang na pagka-prito, ang inaasahan ay ang malinamnam at malutong na pagkain, na habang niluluto ay may matapang na amoy, na kumakapit sa mga damit.
Basahin din: Intermittent Fasting (IF), ang Sagot sa Epektibong Pagpapayat!

Ang konsepto ng air fryer

Gusto ng marami ang pirito, ngunit hindi ito nakakabuti sa kalusugan. Ang solusyon? Ito ay ang pagsamahin ang masarap at malutong na pagkain sa isang mas malusog na konsepto ng pagluluto bagaman hindi kasing sarap at lutong ng tunay na prito. Sa isang banda, hindi naman nawawala ang sarap ng pagkain sa air fryer, ngunit nawawala ang bigat ng pagkain na inilulubog sa kumukulong mantika. Ang air fryer ay hindi nagpi-prito – dahil hindi naman nagpi-prito gamit ang mainit na hangin – at ito ay simpleng isang uri ng pangkaraniwang oven, may maliit na sukat, abot-kayang presyo, at sa loob lamang ng maikling panahon ay naluluto ang malusog at malutong na pagkain.
Gusto niya ng isang eletrical appliance sa bahay na maaaring magprito ng patatas na hindi gumagamit ng mantika, ngunit hindi nawawala ang lasa ng pritong patatas. Isang tunay na hamon,” kwento ng isang kaibigan ni Fred Van der Weij sa Almere Deze Week, na yumao noong katapusan ng 2022 bago pa man makahanap ng mga investors sa China at sa halip ay ibinigay ang patent ng kanyang air fryer sa malaking Ducth company na Philips, sa Eindhoven, na tinatayang noong simula ng 2023 ay nakabenta na ng hindi bababa sa 900M air fryer sa buong mundo. 
Isang imbensyong kumalat sa buong mundo, at marahil ay walang bahay sa kasalukuyan ang walang air fryer. Nagkaroon ng maraming modelo at nabibili kahit online. Walang pagbabago sa konsepto: ang pagkain ay mabilis at tila pritong naluluto gamit ang mainit na hangin, walang mantika at walang amoy na naiiwan sa kusina.