Siguradong may entrance fee sa Venice. Simula 2024, ang mga turista na magpupunta sa Floating City ng Italya ay kailangang magbayad ng entrance fee, tulad ng maraming tourists place sa mundo, na lubos na apektado ng sobrang dami ng turista, o mas kilala sa tawag na “overtourism“. Hinihikayat ng mga local authorities na bisitahin ang Venice hindi lamang sa weekends, kundi pati sa weekdays din. Isang pilot program ang magsisimula ngayong taon. Narito kung kailan kailangan magbayad ng entrance fee para bisitahin ang Venice at kung ang Carnaval ay “libre” pa rin ngayong taon.
Basahin din: Ano ang most powerful passport sa buong mundo ngayong 2024?
Entrance fee sa Venice, magsisimula ngayong 2024
Ang Venice ay ang unang lungsod sa mundo na magpapatupad ng fee para sa mga bisita na walang planong mag-stay ng kahit isang gabi dito. Layunin nito na bawasan ang one-day tourism at hikayatin ang mga turista na mag-stay ng mas matagal sa Venice. Ang natatanging lungsod na ito, na nasa UNESCO World Heritage List, ay naapektuhan nang husto sa mga nagdaang taon dahil sa labis na dami ng mga turista, lalo na dahil sa mga malalaking cruise ships na nagbaba ng libu-libong pasahero araw-araw. Ang tiket sa pagpasok sa lagunang ito ay magkakahalaga ng €5 at may bisa ito sa loob ng 30 araw.
Kailan magbabayad sa pagpunta sa Venice?
Ayon sa anunsyo ng alkalde ng lungsod, Mayor Luigi Brugnaro, ngayong 2024 ay kailangang bumili ng ticket sa mga sumusunod na araw:
- Mula April 25 hanggang May 5, 2024
- Lahat ng weekends mula May 11 hanggang July 14 (maliban sa June 1 and 2)
Gayunpaman, ang mga residente ng Veneto region at ang mga taong may kapamilya o kamag-anak dito ay exempted sa entrance fee. Ngunit, kahit ang mga ‘libre’ o hindi magbabayad ay kailangang mag-book sa pagpasok sa lungsod. Ayon sa anunsyo ng ilpost.it, mula 8:30 am hanggang 4:00 pm, ang mga city operators ay magsasagawa ng random check ng QR code, na maaaring i-download ng mga turista nang libre sa isang special application na aktibo simula January 16, 2024.
Basahin din: Saklolo! Narito ang Emergency Hotline sa Italya
Paano babayaran ang entrance fee sa pagpunta sa Venice?
Ang online booking ay sa pamamagitan ng platform https://cda.ve.it kung saan kailangang ilagay ang mga personal datas para mabayaran ang entrance fee. Pagkatapos bayaran ay maaaring i-download ang QR code, bilang kumpirmasyon ng pagbabayad.
Carvival 2024 sa Venice
Ngayong taon, ang Carnival sa Venice ay nagsimula noong January 27 at magtatagal hanggang February 13. Ang mga turista na nagnanais na makahabol at masaksihan ang pambihirang pagdiriwang na ito ay hindi magbabayad ngayong taon. Ang entrance fee, tulad ng nabanggit, ay magsisimula sa April 2024.