Skip to content
Home » Protektahan ang inyong iPhone! I-activate ang ‘Stolen Device Protection’ ng IOS 17.3

Protektahan ang inyong iPhone! I-activate ang ‘Stolen Device Protection’ ng IOS 17.3

12/02/2024 14:37 - INI-UPDATE 15/02/2024 21:39
I-activate ang Stolen Device Protection

Upang bigyan nang higit na proteksyon ang mga iPhone users, idinagdag ang “Stolen Device Protection” bilang bagong feature ng IOS 17.3. Ito ang pinakabagong software update mula sa Apple. Ayon sa anunsyo ng kumpanya, ito ay nagbibigay ng seguridad sa mga users para mapanatiling ligtas ang mga smartphone kahit na ito’y nakawin. Narito kung paano ia-activate ang bagong security setting upang hindi na magkaroon ng anumang pagkakataon ang mga magnanakaw na magamit ang mga personal datas at bank/credit card details ng mga biktima, kahit gaano man sila kahusay.
Basahin din:Unknown international number na tawag sa WhatsApp? Dapat bang sagutin?

Stolen Device Protection, paano ia-activate?

Bagaman hindi ito aktibo agad matapos ang software update, mahalagang i-activate ang ‘Stolen Device Protection’. Ayon sa Apple, sa pamamagitan ng pag-activate ng bagong security setting na ito, hihingi ang smartphone ng biometric authentication gamit ang Face ID o Touch ID para sa access sa mga password at credit card details na naka-save sa smartphone. Sa ganitong paraan, ginawang mas mahirap ma-access ang mga sensitive datas sakaling manakaw ang iPhone. Hanggang sa kasalukuyan ang mga passwords na naka-save sa iPhone ay nabubuksan sa pamamagitan ng unlock codes lamang.
Bukod dito, upang matiyak ang proteksyon ng mga users, idinagdag din ng Apple ang tinatawag na “security delay“. Nangangahulugan lamang na mula ngayon, ang ilang partikular na aksyon, “tulad ng pagpapalit ng password ng Apple ID, ay mangangailangang maghintay ng isang oras at pagkatapos ay magpapatuloy sa second authentication gamit ang Face ID o Touch ID. Sa ganitong paraan, tiyak na hindi magagawa ninuman ang anumang ‘kritikal’ na pagbabago upang mapasok ang mga personal datas at bank acocunts ng tunay na may-ari ng iPhone. 
Sa katunayan, ayon sa ulat ng Wall Street Journal, ninais ng Apple ang bagong Stolen Device Protection matapos isawalat nito na maraming mga nakaw na iPhone ang naa-access gamit ang unlock codes at pagbabago ng password ng Apple ID mula sa settings ng smartphone. Sa ganitong paraan, ang mga magnanakaw ay nakakakuha ng mga banking credentials ng kanilang biktima, o kaya’y ginagamit ang Apple Pay account para sa kanilang mga layaw. Basahin din: Artificial Intelligence? Narito ang mga dapat malaman ukol sa Benepisyo at Misteryo na hatid nito