Skip to content
Home » Schengen Visa Digitalisation, sinimulan na sa France!

Schengen Visa Digitalisation, sinimulan na sa France!

08/02/2024 22:07 - INI-UPDATE 08/02/2024 22:18
Schengen Visa Digitalisation simula na sa France

Nagsimula na ang France sa pagi-isyu ng mga Digital Schengen visa simula Enero 1, 2024. France ang unang bansa sa European Union na nagbigay ng ganitong uri ng visa. Ito ay bago pa man ang inaasahang pagtatapos ng digitalization process ng Schengen visa na nakatakda sa 2026
Ang pagi-issue ng Digital Schengen visa ay bilang paghahanda sa nalalapit na 2024 Olympic at Paralympic games sa Paris, mula July 26 hanggang August 11 at August 28 hanggang Septembre 8. Inaasahan ng French authorities na humigit-kumulang sa 70,000 digital visas ang kanilang ii-issue. Gayunpaman, dahil sa limitadong alokasyon, hindi lahat ay maaaring maging eligible mag-apply. Sino ang maaaring mag-apply para sa digital visa para manood ng Olimpics?
Ayon sa French authorities, dalawang grupo ng mga Non-EU citizens na nangangailangan ng entry visa ang kwalipikado para sa French Digital Schengen visa.
Basahin din: Pera sa bank account sa loob ng 10 segundo at walang additional fee kahit weekend, aprubado sa Europa

Mga Non-EU citizens na qualified sa French Digital Visa

1) Mga miyembro ng Olympic at Paralympic Family na nangangailangan ng akreditasyon sa pamamagitan ng kanilang respective committees. Ang grupong ito ay kinabibilangan ng mga miyembro ng International Olympic Committee at Paralympic Committee, mga internasyonal na federasyon, at mga pambansang komite. Ang mga miyembro ng komite ng Olympic Games, mga pambansang asosasyon, mga atleta, mga hurado, mga coach, mga teknisyan sa sports, mga medical personnel, mga akreditadong mamamahayag, senior executives, donors, at patrons ay bahagi rin ng grupo na ito.
Ang proseso ng aplikasyon ay magiging napakadali para sa grupo na ito.
Hindi nila kailangang maghintay para appointment, o ang kumpletuhin ang mga dokumento, o ang magbayad ng karaniwang bayad ng Schengen Visa. Kailangan lang nilang pumunta sa visa center sa itinakdang oras, at magbigay ng kanilang pasaporte, at balidong sertipiko ng akreditasyon na inisyu ng Organising Committees for the Olympic Games o OCOG.
2) Iba pang opisyal na mga bisita ng Olympic o Paralympic Committee (OCOG).
Ang mga taong inimbitahan ng OCOG upang dumalo sa mga games ay kailangang kumpletuhin ang aplikasyon para sa visa sa website ng France-Visas, at kumpletuhin ang mga dokumentong nasasaad sa website. “Dapat din silang magbigay ng letter of invitation mula sa OCOG. Wala ring bayad na kinakailangan para sa kategoryang ito. Kinakailangan ding magbigay ng biometrics – mga fingerprint at larawan – sa visa center, bilang requirement para sa parehong kategorya,” ayon sa ulat ng VisaGuide.

Maaari bang mag-apply ang mga manonood para sa digital na visa?

Ang mga manonood na nais dumalo sa mga laro, ay kailangang mag-apply para sa regular Schengen Visa.
Basahin din: eTravel Card, ikalawang Pasaporte sa pagpunta sa Pilipinas 

Schengen Visa Digitalisation simula na sa France

Halaga ng Schengen Visa Digitalisation

  • Sa pamamagitan ng digitalisation, magiging mas madali ang paga-apply para sa Schengen visa at ito ay higit na secure:
  • Ang mga aplikante ng visa ay maga-apply online, kabilang ang pagbabayad ng visa fee sa pamamagitan ng isang single EU platform, anuman ang Schengen country na nais nilang bisitahin;
  • Ang platform ay awtomatikong magtatakda kung aling Schengen country ang responsable para sa pagsusuri ng aplikasyon, lalo na kung nais ng aplikante na bisitahin ang ilang Schengen countries;
  • Ang platform ay magbibigay sa mga aplikante ng mga updated infos tungkol sa mga Schengen short-stay visas, pati na rin ng lahat ng kinakailangang impormasyon tungkol sa mga supporting documents, visa fee o ang pangangailangan ng isang appointment para sa pagkuha ng biometric identifiers;
  • Ang personal appearance sa Consulate o Embassy ay magiging obligado lamang para sa mga first applicants para sa pagkuha ng biometric identifiers, para sa mga applicants na ang biometric data ay hindi na balido o may bagong travel document.
  • Ang visa ay maglalaman ng mga pinakabagong security features, na mas ligtas kaysa sa kasalukuyang visa sticker;
    Ang bagong sistema ay sisguraduhing protektado ang mga pangunahing karapatan ng aplikante. 

Sources: Organising Committees for Olympic Games, Official website of the European Union