Skip to content
Home ยป Mga itlog, nananatiling mas sariwa nang mas matagal kapag inimbak sa paraang Amerikano

Mga itlog, nananatiling mas sariwa nang mas matagal kapag inimbak sa paraang Amerikano

22/01/2024 18:57 - INI-UPDATE 23/01/2024 08:29
Saan dapat itabi ang mga itlog

Madalas na pinagtatalunan ng US at UK kung saan dapat iimbak ang mga itlog sa kusina para mapanatili itong sariwa nang mas matagal. Si Mary Berry, sikat na British cookbook writer, chef at TV presenter, ang nagtapos sa debate, at lumalabas na tama ang mga Amerikano. (Basahin pagkatapos ng mga larawan).
Baka magustuhan mo rin: Holidays at long-weekends? Narito ang mga Public Holidays 2024 sa Italya

Madalas na mainit na pinagtatalunan kung ang countertop o ang refrigerator ang magpapanatiling mas sariwa ng mga itlog nang mas matagal, ngunit tuluyang tinapos na ni Mary Berry ang diskusyong ito. Ang mga itlog ay karaniwang may mas mahabang buhay sa istante, ngunit nagkaroon ng patuloy na debate sa pagitan ng mga Briton at Amerikano tungkol sa pinaka-angkop na lugar kung saan iiimbak ang mga ito sa kusina, ayon sa ulat ng Express.

Sa UK, karaniwang mas nilalagay ang mga itlog sa countertop na may room temperature, habang sa US naman ay mas nilalagay ang mga ito sa mas malamig na lugar, tulad ng refrigerator.

Tulad ng nabanggit, nabigyan na ng solusyon ang problemang ito at waring pumanig sa mga Amerikano ang eksperto na si Mary Berry sa kanyang aklat na “Mary Berry’s Complete Cookbook.

“Iimbak ang mga itlog sa kanilang kahon sa loob ng ref (malayo sa ibang pagkain upang hindi mag-absorb ng amoy at lasa sa pamamagitan ng shell),” ayon kay Mary. “Kung ilalagay mo ang mga ito na nakatutok sa ibaba, ang pula ng itlog ay mananatiling nasa sentro ng white egg. Palaging gamitin ang mga ito bago ang expiration date.”

Bakit kailangan itabi sa ref ang mga itlog?

Ang pagtatabi ng itlog sa ref ay ang pinakamahusay na paraan para panatilihing sariwa ang mga ito, dahil ang temperatura na 4 degrees Celsius o mas mababa ay makakatulong sa kanila na magtagal.

Maaari rin itong itabi sa countertop kung nais, ngunit ang itabi ang mga ito sa isang mas malamig na temperatura ay susi sa pagpapanatiling mas sariwa ng mga ito.

Gayunpaman, dapat laging itabi ang mga itlog sa isang shelf sa loob ng ref at hindi sa pintuan nito, dahil maaring ito’y maging sanhi ng kanilang pagkasira.

Si Jenna Kelly, isang eksperto mula sa Essential Food Hygiene UK, ay nagrekomenda rin ng pagtatabi ng itlog sa ref upang pigilan ang pagbabago ng kanilang temperatura, ngunit ang paglalagay sa kanila sa pintuan ng ref ay hindi lamang magpapabilis sa kanilang pagkasira, kundi maaring magdulot din ng food poisoning dahil sa patuloy na pagbabago ng temperatura.

“Inirerekomenda na ito ay itabi sa ref sa lalong madaling panahon – iwasan ang anumang pagbabago ng temperatura, dahil maaaring magdulot ito ng kondensasyon sa balat na maaaring magdulot ng problema sa bacteria,” ayon kay Jenna.

Maaari bang i-freeze ang mga itlog upang mapanatiling sariwa?

Ayon kay Mary, maaaring itabi ang mga itlog sa freezer, kung saan tatagal ito ng anim na buwan. Gayunpaman, karaniwan na inirerekomenda na gamitin ito pagkatapos ng apat na buwan para masiguro na ito’y sariwa pa.

Sa “Mary Berry’s Ultimate Cookbook,” sinabi niya: “Ang mga hilaw na itlog na natanggal na ang balat ay maaring mai-freeze at maaaring itabi hanggang sa anim na buwan. Sa mga buong itlog naman, pagsamahin nang maayos ang yolk at puti at dagdagan ng asin; lagyan din ng asin ang yolk para sa mga maalat o matamis na pagkain; walang dapat idagdag kung ang ipi-freeze lamang ay ang white egg.”

Para naman i-unfreeze ang mga itlog, ayon kay Mary: “I-defrost ito sa pamamagiatn ng room temperature. Ang mga pagkain na base sa itlog, tulad ng quiche, mga cream, at mousse ay maaari rin i-freeze.”

“Palaging piliin ang mga organic o free-range na itlog: hindi lamang ito ang pinaka-etikal na pagpipilian, ngunit ang mas mataas na standards ay nagbibigay din ng mas masarap na itlog,” dagdag pa ni Mary.