Skip to content
Home ยป RC Auto 2024: Ano ang mga pagbabago ukol sa insurance at non-economic damage (at parking)

RC Auto 2024: Ano ang mga pagbabago ukol sa insurance at non-economic damage (at parking)

16/02/2024 23:49 - INI-UPDATE 16/02/2024 23:52
RC Auto 2024 Insurance non-economic damage at parking

RC auto 2024: Ang mga pagbabago? Magbabago muli ang RC auto ngayong 2024! Kabilang sa pinakamahalagang pagbabago ay ang obligasyong magbayad ng insurance kahit sa mga nakatigil at nakaparadang sasakyan. Gusto mo bang iwasan ang useless expenses? Alamin kung papaano suspindihin ang insurance policy, dahil sa matinding pagtaas ng gastusin ngayong taon. Bayad-pinsala, insurance at parking: tuklasin ang mga detalye ng lahat ng mga pagbabagong ipinanukala ng legislative decree number 184 ng Decembre 23, 2023.
Basahin din: Saklolo! Narito ang Emergency Hotline sa Italya

Parking, bagong obligasyon sa mga sasakyan. Narito ang pagbabago.

Ang isa pang makabuluhang pagbabago ay ang pangangailangan na ang lahat ng may-ari ng mga motor vehicles ay magbabayad ng insurance, kahit na ang mga ito ay nakaparada at hindi ginagamit sa mga garahe. Matatandaang ang nakaraang regulasyon ay, mahalagang ang sasakyan ay hindi dapat gamitin kung hinid naka-insured. Ngunit ngayon ay nagbago. Sa ngayon, kahit na nakatigil ang sasakyan ay dapat sakop ng insurance. Gayunpaman, may isang escamotage: ang sospension ng insurance. Ibig sabihin, maaaring magrequest na suspindihin ang insurance sa nakatigil na sasakyan. Hindi โ€œextinctโ€ o โ€œcancelledโ€ ngunit suspendido lamang. Ang request na ito ay kailangang gawin sa sariling insurance company.

Car liability reform 2024: ang mga pagbabago sa bayad-pinsala at insurance

Ang Guarantor para sa pagsubaybay sa mga presyo, kasunod ng indikasyon ng Ministry of Made in Italy, ay nag-organisa ng commission for price surveillance noong Pebrero 14, upang pag-aralan ang halaga ng insurance at ang mga kaugnay na isyu ukol sa pagtaas ng average na presyo na 7.1%, sa pagitan ng Nobyemre 2023 at parehong buwan noong 2022, na iniulat ng Ivass (Institute para sa pangangalaga ng Insurance). Ang pagtaas noong Nobyembre, sa katunayan ay nagkaroon ng pagtaas ng na humigit- kumulang โ‚ฌ31 bawat insurance policy, kumpara sa average na presyo ng 2022. Ang Naples at Prato ay ang mga lalawigan na may pinakamataas na halaga ng insurance premium sa mga sasakyan:ย  ang average, ay higit sa โ‚ฌ559.
Basahin din: Pera sa bank account sa loob ng 10 segundo at walang additional fee kahit weekend, aprubado sa Europa

Maaari bang ilipat ang lumang insurance policy sa bagong kotse?

Posible bang baguhin ang insurance o isama ang mga garantiya at coverage? Ang sagot ay Oo. Kung ang pinag-uusapan ay ang tungkol sa โ€œpaglipat o pagpapalitโ€ ng insurance, sa ilalim ng dalawang kondisyon:

  • Dapat ay pareho ang may-ari ng luma at bagong kotse;
  • Ang lumang kotse ay hindi maaaring manatili na pagmamay-ari ng may ari, ngunit dapat ay ibenta, i-scrap, i-demolish o i-deregister.

Ang mga non-economic damages sa car liability insurance 2024: Ano ang mga pagbabago?

Sa riporma, ipinaliliwanag ang direct and inverse proportion, ang una ay tungkol sa โ€œdegree of disabilityโ€ habang ang huli ay tumutukoy sa edad ng injured party. Samakatwid, ang pagtaas ng halaga ng bawat punto sa aspetong ekonomiko, ay kinukunsidera batay sa isang multiplier. Kung sa isang banda, sa pinsala sa ari-arian ay isinasaalang-alang ang parehong pinsalang pisikal at moral, ang hatol ay ginagawa nang hiwalay. Tungkol sa moral na pinsala, ito ay tumutukoy sa “causing suffering and disturbance of the soulโ€. Ang bagong elementong ito, ayon sa portal na motorzoom.it, ay ang pagpasok ng “multiplier para sa moral na pinsala” kung saan ang halaga ng pinsalang pisikal ay nadadagdagan sa porsiyento at progresibong paraan para sa bawat point of disability na kinikilala.