Sa kasalukuyang panahon, isa sa mga pangunahing libangan at paraan ng impormasyon ang paggamit ng internet. Sa Pilipinas ay patuloy na lumalago ang industriya ng online videos, na nagpapakita ng matinding interes at pagkakasangkot ng mga Pilipino sa digital platform. Narito ang resulta ng ginawang pagsusuri ng Digital 2024 Global Overview Report.
Ayon sa naging ulat ng We Are Social kasama ang kumpanyang Meltwater, halos 97.2% ng mga Pilipino na may edad na 16 hanggang 64 taong gulang ay nanonood ng anumang uri ng video kada linggo. Nangunguna din sa panonood online ang Pilipinas ng mga music videos at higit ito sa 72 % kada linggo.
Basadin din: Entry Visa papuntang Italya? Mas pinadali! Apat na ang Application centers sa Pilipinas
Panonod ng online videos, integral sa Pilipinas
Sa kabila ng kakulangan sa internet access at kakulangan sa kagamitan sa ilang lugar sa Pilipinas, ang research ay nagpapakita ng mataas na antas ng paggamit ng Internet sa bansa, pati na rin ang pagiging aktibo ng mga Pilipino sa pagtangkilik at paglikha ng mga online content.
Bukod dito, ang patuloy na paglago ng mga social media platform at digital streaming services ay nagbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa mga Pilipino na magkaroon ng access sa iba’t ibang uri ng online content. Tanda lamang ng pagiging integral ng online video consumption sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa edukasyon, bukod pa sa libangan at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang komunidad.
Matapos ang Pilipinas, ang mga sumusunod na bansa ang may pinakamataas na porsyento ng mga nanonood ng online video:
- Mexico – 97.0%
- South Africa – 97.0%
- Indonesia – 96.9%
- Ghana – 96.8%
- Brazil – 96.4%
- Colombia – 96.3%
- Morocco – 96.2%
- Turkey – 96.2%
- UAE – 96.2%
Basahin din: Unknown international number na tawag sa WhatsApp? Dapat bang sagutin?