Skip to content
Home » Pagbabago sa driver’s license: Tatanggalin sa edad na 68 sa mga professional drivers

Pagbabago sa driver’s license: Tatanggalin sa edad na 68 sa mga professional drivers

22/02/2024 21:14 - INI-UPDATE 22/02/2024 21:15
pagbabago sa driver’s license ng mga senior citizen

Malaking pagbabago sa driver’s license ng mga senior citizen. Ito ay bilang pagsunod sa mga tagubilin ng European Union, na naghahanda ng malawakang reporma sa mga driver’s license, kasabay ng rebolusyon sa Highway code ng Italya. Bagong paghihigpit sa mga patakaran ang ipatutupad simula 2024. Ang paghihigpit ng mga regulasyon ay layuning pigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga aksidente sa kalsada, kasama na ang mga senior citizens. Samakatwid isang bagong obligasyon ang ipatutupad para sa mga over65 para sa pagpapanatili ng kanilang lisensya.
Basahin din: Pagsilip sa cellphone ng mga drivers habang red light, matitigil na. Matinding parusa batay sa Bagong Highway Code 2024
Ayon sa website na quifinanza.it, ang mga driver sa Italya, kasama ang mga nagkaroon ng driver’s license sa edad na 18 anyos at nagre-renew nito tuwing 10 taon nang walang anumang problema pagkatapos ng mga karaniwang medical check-up. Sa kabilang banda, mayroong mga drivers na  kailangang sumailalim sa medical check-up tuwing dalawa, tatlo o limang taon. Ito ay ang kaso ng mga over65 na kinakailangang sumailalim sa pagsusuri ng local medical board upang magpatuloy sa pagmamaneho. Kung ang opinyon ay positibo, ay pahihintulutan ng komisyon ang extension, at kung hindi, kailangang magpaalam ang driver sa kanyang driver’s license. 

Professional drivers tatanggalan ng driver’s license sa edad na 68

Isang malaking pagbabago sa driver’s license ng mga senior citizen batay sa new code. Ito ay ang pangangailangan para sa mas madalas na mga pagsusuri upang ma-renew ang driver’s license sa Italya ay magsisimula mula sa edad na 50, na may inspeksyon kada limang taon. Mula sa edad na 70, ang mga driver ay kailangang sumailalim sa pagsusuri tuwing tatlong taon, at pagkatapos ay tuwing dalawang taon hanggang sa edad na 80. Ang mga patakarang ito ay para sa mga may-ari ng driver’s license type AM, A1, A2, A, B1, B, BE
Gayunpaman, ang rebolusyon ay para sa mga over65 na may type C at E na driver’s license, na nagpapahintulot na magmaneho ng mga trak at articulated vehicles na may bigat na higit sa 20 tonelada. Ang uri ng lisensyang ito ay dapat i-renew tuwing dalawang taon makalipas ang 65 anyos, batay sa opinyon ng isang medical board. Para sa mga driver na over68, ay hindi na ire-renew ang driver’s license at ito ay nagiging invalid.
Basahin din: Electric Scooter, may bagong regulasyon! Mandatory insurance at plate number. Multa sa mga lalabag.

Paano ire-renew ang driver’s license? 

Inulit ng Italian Ministry of Transport ang renewal ng driver’s license ay may iba’tt ibang panahon, depende sa uri ng lisensya at sa edad ng owner. Ang renewal ay ginagawa sa pamamagitan ng physical at psychological check-up ng isang qualified medical professional upang suriin ang kakayahang magmaneho. Kung ang resulta ay positibo, ang driver’s license ay extended sa panahong itinakda ng Highway Code.