Mabigat na multa sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho. Sa makabagong panahon, ang ating mobile phone ay isa sa pinakamahalagang bagay upang maging kombinyente ang ating pamumuhay. Sa pamamagitan nito maaari pa rin tayong maging malapit sa ating mga mahal sa buhay at maka-access ng mahahalagang impormasyon saan man tayo naroroon. Gayunpaman, may mga pagkakataon na maaring magdulot ito ng banta o serious threat sa ating buhay. Ayon sa istatistika, ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho ay isa sa dahilan ng mataas na rate ng road accidents. Isang bansa sa Europa, ang naghigpit sa mga regulasyon nito patungkol sa trapiko sa kalsada upang tuluyang maiwasan ang panganib na dulot nito. Ang bagong Highway Code ng Italya ay nagsasaad ng mabibigat na parusa sa paggamit ng mobile phone kahit na ang sasakyan ay nakahinto.
Multa para sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho
Ang bagong road code dito sa Italya ay nagsasaad ng mahigpit na parusa para sa mga taong nakikipag-usap sa cellphone nang hindi gumagamit ng headphones o hands-free kit. Ang sinuman na mahuling gumagamit nito habang nagmamaneho ay papatawan ng multa mula โฌ 422 hanggang โฌ 1,697. Bukod pa rito ay maaaring masuspinde ang driver’s license sa unang paglabag nang mula 15 araw hanggang dalawang buwan. Sa susunod na paglabag o repeat violation, papatawan ng dalawang taon na pagkakulong at maaaring magmulta hanggang โฌ 2,588. Ang pinahigpit na parusa ay naglalayong gawing mas epektibo ang pagbabawal sa kinagawiang paggamit ng mobile phone habang nagmamaneho.
Parusa sa paggamit ng cellphone habang nakatigil sa red light
Maaari ring pagmultahin ang sinumang driver na mahuhuling gumagamit ng mobile phone habang nagmamaneho, kahit saglit o mabilisang hinawakan lang ito upang magbasa ng mensahe. Papatawan ng multa kung mahuhuli ang driver na may hawak na device habang ito ay nakahinto sa traffic light. Bagamaโt tinuturing ng ilan na masyadong mahigpit ang parusa, kinakailangan ang mga ito upang mas matiyak ang kaligtasan sa pagmamaneho. Bagaman simpleng pagsulyap sa screen, ay maaaring makagambala sa atensyon ng driver habang nagmamaneho na posibleng humantong sa isang aksidente. Ang mga bago at pinahigpit na regulasyon ay naglalayong hubugin ang pagiging responsable ng mga driver sa paggamit ng cellphone, at isaalang-alang ang kaligtasan sa kalsada bilang isang priyoridad.