Skip to content
Home ยป Ano ang most powerful passport sa buong mundo ngayong 2024?

Ano ang most powerful passport sa buong mundo ngayong 2024?

26/01/2024 19:48 - INI-UPDATE 26/01/2024 23:45

Taun-taon ay inilalathala ang ranking ng mga most powerful passport sa buong mundo. Ito ay ranking ng mga bansang may pinakamaraming visa-free countries o visa-free destinations. At ngayong taon, ang Global Passport Ranking 2024 ay inilathala ng Hanley & Partners, kung saan kabilang ang 199 passports at 227 travel destinations. Ang mga datos ay esklusibong mula sa official datas ng IATA o Internationall Air Transport Association.

Italya, may most powerful passport 2024

Ayon sa most powerful passport ranking 2024, mayroong 194 visa-free countries ang mga Italian passport holders. Ito ay dahil isa ang Italya sa mga nangungunang bansa na may most powerful passport sa buong mundo ngayong 2024. Kasama ang mga bansang Japan, Singapore, France, Germany, at Spain. Ito ay nangangahulugan lamang na sa loob ng 227 countries, 194 ng mga ito ang hindi nagre-require ng entry visa sa mga Italians, tulad ng Japanese, Singaporean, French, Germans at Spanish.

Noong 2023, ang Italy ay ika-apat sa ranking kung saan mayroong 189 visa-free countries. Tanging Japan lamang ang nagmamay-ari ng trono noong nakaraang taon kung saan may 193 locations visa-free.

Sinundan ang 2024 ranking ng South Korea, Sweden, at Finland na may visa-free sa 193 destinations. Ang Austria, Denmark, Ireland, at Netherlands ay pumangatlo sa ranking at may visa-free travel sa 192 destinasyon.

Ang USA, ay pang-pito sa ranking katulad noong nakaraang taon. Kasama ng US, ang UK ay mayroong 188 destinations na noong 2023 ay ika-anim at may 187 destinations.

Mabilis ang naging pagtaas ng United Arab Emirates sa ranking kung saan nadagdag ang 106 destinations at ngayong taon ay naitala bilang ika-11 sa ranking.

Basahin din: Ilang taon kailangang magtrabaho para matanggap ang pensiyon sa Italya?

Top 10 most powerful passports sa buong mundo

  1. France, Germany, Italy, Japan, Singapore, Spain (194 destinations)
  2. Finland, South Korea, Sweden (193 destinations)
  3. Austria, Denmark, Ireland, the Netherlands (192 destinations)
  4. Belgium, Luxembourg, Norway, Portugal, United Kingdom (191 destinations)
  5. Greece, Malta, Switzerland (190 destinations)
  6. Australia, the Czech Republic, New Zealand, Poland (189 destinations)
  7. United States, Canada, Hungary, (188 destinations)
  8. Estonia, Lithuania ( 187 destinations)
  9. Latvia, Slovakia, Slovenia (186 destinations)
  10. Iceland (185 destinations)

Nasa laylayan ng ranking ang mga bansang Yemen (35 destinations), Pakistan (34 destinations), Iraq (31 destinations) at Syria (29 destinations) atย Afghanistanย na mgaย 28 visa-free countires.

Source: Henley & Partners