Sa kabila ng popularidad at malawakang selebrasyon ng Valentine’s Day, marami pa ring nagtatanong kung sino nga ba talaga si San Valentino at kung paano nagsimula ang pagdiriwang na ito. Halika at alamin ang misteryo at kagandahan sa likod ng pagdiriwang ng Valentine’s Day!
Basahin din: Holidays at long-weekends? Narito ang mga Public Holidays 2024 sa Italya
Ang tradisyon ng Valentine’s Day
Sa tradisyon, kinikilala si San Valentino bilang isang banal na pari mula sa Roma noong Ikatlong Siglo, at pinaniniwalaang siya ang nagbigay buhay sa pagdiriwang ng Valentine’s Day. Ngunit sa kasaysayan ng Simbahang Katolika, may komplikasyon sa kuwento ng martir na ito.
May dalawang magkaibang martir na tinatawag na Valentino, parehong namatay sa o malapit sa Roma: una, isang Romano na pari na namatay sa Roma noong ikatlong siglo sa ilalim ni Emperador Claudius III; at ikalawa, ang patron ng bayan ng Umbria na Terni, isang obispo na malamang na namatay sa ika-apat na siglo.
Sa gitna ng pag-uusig, kinikilala ang unang Valentino bilang isang bayani sa pagtulong sa mga Kristiyanong magkasintahan. Ipinakulong at pinatay bilang martir noong Pebrero 14, 270. Ayon sa kuwento, nagamot niya ang isang bulag na bata at sumulat ng huling liham bago mamatay.
Taong 486, itinalaga ni Papa Gelasius ang pista bilang paggunita sa pasyon ni San Valentin. Iprinisinta sa mga mananampalataya ang pinagtatalunang martir bilang “holy priest” ng Roma, na kasama si St. Marius ay tumbling sa panahon ng pag-uusing sa ilalim ni Claudius II.
Noong panahon ni Pope Julius I, itinayo ang Simbahan sa ala-ala ni San Valentin sa Porta del Populo sa Roma na tinaguriang “Porta Valentini.”
Ang misteryo ni Saint Valentin
Ang mga labi ng “Patron ng mga Magkasintahan” ay matatagpuan sa Simbahan ni San Praxedes sa Roma ngayon.
May kaugnayan dito, isang bungo na may koronang puting bulaklak at may nakasulat na “San Valentino” sa noo nito, ay matatagpuan sa tabi ng altar sa kaliwang bahagi ng simbahan ng Santa Maria in Cosmedin, sa Piazza Bocca della Verità 18. Bagaman ang relika ay patuloy na umaakit ng mga turista, lalo na sa Araw ni San Valentin, nananatiling misteryo kung sino ang eksaktong may-ari ng bungo. Ayon sa tradisyon, ang bungo ay pag-aari ng martir na Kristiyano noong ika-tatlong siglo na si Valentino.
Sa pagitan ng kasaysayan at katotohanan, nananatiling misteryo ang buhay ni San Valentin, na patuloy na ginugunita tuwing Pebrero 14, ang Araw ng mga Puso, na para sa marami, may kasintahan man o wala, ay isang malaking misteryo!