Minimum wage ng mga domestic workers in Italya. Magkakaroon ng increase sa minimum wage ang mga colf at caregivers sa Italya ngayong 2024. Ito ay ayon artikulo 38 ng CCNL o National Collective Contract on Domestic Job, kung saan nakabatay ang regulasyon ng mga colf at caregivers sa Italya. “Anumang pagbabago sa Istat Price Index ay may awtomatikong epekto sa sahod ng mga colf at caregivers”.
Kaugnay nito, pinirmahan ng National Committee sa domestic sector ang kasunduan na nagtatakda ng bagong minimum wage ngayong taon sanhi ng pagbabago sa cost of living sa bansa.
Basahin din: Ilang taon kailangang magtrabaho para matanggap ang pensiyon sa Italya?
Minimum Wage 2024 sa domestic job sa Italya
Sa katunayan, ang bagong minimum wage ng mga colf at caregivers ay epektibo simula January 1, 2024. Ito ay tumaas ng 0,56% kumpara sa sahod noong nakaraang taon at tumutugon sa 0,70% ng Istat Index. Matatandaang noong nakaraang taon, ang sahod ng mga colf at caregivers ay tumaas ng 9.2%.
Ipinapaalala na ang minimum wage ay tumataas batay din sa antas at lebel ng trabaho, kung live-in o part-time, kung walang experience, may experience at eksperto at marami pang iba.
Paano malalaman ang increase sa minim wage ng domestic workers? Ayon sa Federazione Italiana dei datori di lavoro domestico, o Fidaldo, ang isang part-timer na colf na nasa level B ang employment contract ay tataas mula €6.58 sa € 6.62 kada oras. Ito ay may increase na €0.04 bawat oras. Samantala, ang isang live-in na caregiver ng isang taong may kapansanan, na nasa antas Cs, ay tataas naman ang sahod mula €1,120.76 sa €1,127.04 kada buwan. Ito ay may pagtaas sa sahod na €6.28 euro
Table ng Minimum Wage ng mga colf at caregivers 2024