Ang halaga ng Assegno Unico 2024: Mula sa minimum na €57 para sa isang anak sa mga may ISEE na higit sa €45,574.96 (o walang ISEE) hanggang sa maximum na €199.40 para sa may kita hanggang €17,090.61. Ngunit bukod sa nabanggit na basic amount, ang halaga ng benepisyo ay tumataas batay sa karagdagang benepisyo: mula ikatlong anak, mga anak na walang kakayahang magtrabaho, mga anak na may malubhang kapansanan, mga anak na may edad na 18-20 na may kapansanan, mga anak na may edad na higit sa 21 na may kapansanan, para sa ina na may edad na mas bata sa 21. Alamin kung magkano ang matatanggap na halaga ng Assegno Unico 2024.
Basahin din: Handa na ba ang ISEE para sa pag-aaplay ng bonus? Narito ang mga pangunahing bonus 2024 na batay sa ISEE
Assegno Unico 2024: Narito kung paano kakalkulahin
Upang malaman kung magkano ang halaga ng Assegno unico 2024 ay maaaring gamitin ang simulator na inilaan ng INPS. Ito ay nagpapakita ng halaga na maaaring matanggap ng nagsumite ng aplikasyon. Gayunpaman, ayon sa Inps, ang halaga ay approximate lamang at ito batay sa datos na inilagay ng aplikante. Sa madaling salita, ang resulta na matatanggap pagkatapos ng paglalagay ng mga datos ay maaaring magbigay ng ideya lamang kung magkano ang maaaring matanggap na assegno. Narito kung
Upang matanggap ang Assegno Unico, kinakailangan na magsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng tamang proseso na available sa website ng INPS, gamit ang digital identity (SPID, CNS, CIE). Maaari ring mag-submit sa pamamagitan ng mga patronato at contact center.
I-click para sa INPS Simulator ng Assegno Unico 2024
Matapos i-digit ang control code, ay maaaring magpatuloy sa paglalagay ng mga datos. Tandaan na itatanong ng simulator kung ang anak na may edad higit 18 anyos ay mag-aaplay ng bukod. Kailangan din ang deklarasyon kung ang Ina ay under21, dahil ito ay may karagdagang €21,60 bawat anak kada buwan.
Basahin din: Carta Acquisti 2024: Mga dapat malaman mula sa Application hanggang sa pagtanggap ng Prepaid Card
Narito ang bawat hakbang at mga impormasyong kinakailangan para sa simulator
Ang mga dependent o ‘a carico’ na anak
Upang malaman ang monthly amount ng assegno, kailangan ding tukuyin kung ilan ang mga dependent na anak, kabilang ang mga walang karapatan sa benepisyo.
Kinikilala din bilang ‘ a carico’ ang lahat ng mga anak na menor de edad at ang mga anak na higit 18 anyos para sa Irpef o taxes. Upang ituring na bahagi ng pamilya ang adult na anak na ‘non convivente’ o hindi kasama sa, dapat na matugunan ang nga sumusunod:
- edad na hindi lalampas sa 26 taon
- ‘a carico’ ng mga magulang sa buwis
- hindi kasal
- walang anak
Anak na menor de edad at may kapansanan
Ang susunod na hakbang ay tungkol sa bilang ng mga anak na menor de edad. Bakit? May ilang karagdagang benepisyo para sa iba’t ibang mga edad:
- Hanggang isang taon ng anak ay may karagdagang halaga. Ito ay kalahati ng halaga ng basic amount ng assegno unico anuman ang halaga ng ISEE;
- Mula 1 hanggang 3 taon ay may karagdagang benepisyo na kalahati ng basic amount ng assegno para sa mga pamilya na may atleast 3 anak na may ISEE na mas mababa sa €43,240.00.
ISEE
Ang isa pang impormasyon na kailangan para sa pagkuwento ng halaga ng assegno ay ang ISEE, na nagsisilbing indicator para suriin at ihambing ang kalagayang pinansyal ng mga pamilya.
Sa kawalan ng ISEE o para sa may ISEE na mas mataas sa €43,240.00, ang halaga ng assegno ay ibibigay ang minimum amount.
Ang mga magulang
Ang sumunod na impormasyon na dapat sagutan ay ang pagkakaroon ng parehong magulang. Kailangang tukuyin ang parehong magulang, kahit hindi nagsasama. Kung parehong nagtatrabaho o kung nakatanggap ng ANF sa nakaraan, may karapatan sila sa mga karagdagang benepisyo ayon sa artikulo 4 at 5.
Mga karagdagang halaga ayon sa artikulo 4 at 5
- Ang benepisyo ayon sa artikulo 5: Ang may karapatan sa transitional na benepisyo ay ang mga nakatanggap ng ANF noong 2021, may Isee na hindi hihigit sa €25,000. Ang karagdagang halaga para sa 2023 ay 2/3 ng halaga na natanggap noong 2022.
- Ang benepisyo ayon sa artikulo 4 ay nagbibigay karagdagang halaga ng €32.40 bawat buwan para sa bawat anak na menor de edad, kung ang parehong mga magulang ay may kita mula sa trabaho.
Matapos ilagay ang lahat ng impormasyon na hinihingi ng sistema ay magbibigay ito ang approximate na halaga ng Asegno Unico.