Skip to content
Home » Saklolo! Narito ang Emergency Hotline sa Italya

Saklolo! Narito ang Emergency Hotline sa Italya

25/01/2024 08:00 - INI-UPDATE 02/02/2024 20:22
emergency hotline na dapat tawagan sa Italya

SOS? Kung may emergency at kailangan ng saklolo, ang emergency hotline na dapat tawagan sa Italya ay 112. Ito ay ang tinatawag ngayong Numero Unico d’Emergenza o  NUE. 

Layunin ng NUE na pag-isahin na lamang ang mga emergency hotlines sa Italya. Ginawa nitong mas simple ang lahat ng tawag ng emergency. Ang operator ay multi-lingual.  Maaring i-dial ang numerong ito na walang bayad mula sa landline, o cellphones. Ang cellphone  na  walang signal, blocked, walang SIM, o walang load ay maaring ding makatawag sa 112.

Ang 112 ay ang emergency hotline hindi lamang sa Italya kundi sa buong Europa.  Ang layunin ng hakbang na ito ay mas mapabilis ang pagrisponde ng mga awtoridad sa bawat tawag na matatanggap. Mas mabilis makatawag ng saklolo at hindi na kinakailangan pang hanapin ang emergency number ng bawat bansang pupuntahan. 

Agad na tutugon at magpapadala ng tulong ang emergency operator ng 112 base sa pangangailangan ng tumawag. Sa pagtawag ay alam na agad nito ang eksaktong lugar ng caller.

Basahin din: Ano ang Vitamin D at ano ang halaga nito sa katawan ng tao?

Emergency Hotline: APP 112

Maliban sa pagtawag sa 1-1-2 ay maaari ding gamitin ang APP 112 na “WHERE ARE YOU” sa mga smartphones. Ang app na ito ay maaring gamitin ng mga taong may kapansanan dahil ito ay PWD friendly. Malaking tulong sa central unit ang paggamit nito.  Kahit hindi natin alam ang ating kinaroroonan ay kita ng operator ang lugar sa computer. 

Bagaman unti-unting nawawala na ang mga national numbers dahil sa layuning pag-isahin na lamang ang mga ito, nananatili pa ring aktibo ang mga numerong tinatawagan sa Italya sa oras ng pangangailangan: 

  • Police (Polizia di stato): 113 (aksidente, pagnanakaw, atbp.).
  • Fire Brigade (Vigili del Fuoco): 115 (sunog, emerhensiya sa panahon).
  • First aid: 118 
  • Road Assistance: Automobile Club of Italy (ACI) numerong 803.116, o bisitahin ang opisyal na website ng ACI.
  • Forest Guard: 1515
  • Travel informations: 1518
  • Sea rescue: 1530

Source: 112emergency.eu