Renewal ng permesso di soggiorno 2024. Ang renewal ng permesso di soggiorno ay kailangang gawin upang manatiling balido ang dokumento at regular ang paninirahan ng dayuhan sa Italya.
Ito ay kailangang gawin, atleast 60 days bago ang expiration date ng dokumento. Gayunpaman, ang renewal ay pinahihintulutan hanggang 60 araw makalipas ang expiration nito, sa pagkakaroon ng balidong dahilan. Ginagawa ang renewal ng permesso di soggiorno sa Poste Italiane, sa pamamagitan ng kit. Tanging ang permesso lungo soggiornanti per familiari UE ang direktang sa Questura ginagawa ang renewal. Narito ang mga requirements para sa renewal ng permesso di soggiorno 2024.
Renewal ng Permesso di Soggiorno, ang required income
Sa renewal ng permesso di soggiorno ay kailangang patunayan ng dayuhan ang pagkakaroon ng mapagkukunang pinansyal sa panahon ng validity ng dokumento. Ito ay batay sa halaga ng assegno sociale na itinatalaga ng Inps taun-taon. Samakatwid, sa pag-aaplay ng renewal ng permesso di soggiorno 2024, ay kailangan ang pagkakaroon ng yearly salary na katumbas ng assegno sociale na para sa taong 2024 ay €6947,20 sa isang taon o € 534,40 para sa 13 buwan. Gayunpaman, sakaling kulang ang yaerly salary ng aplikante ay maaaring isaalang-alang ang sahod ng mga miyembro ng pamilya na kasama sa nucleo familiare.
Renewal ng Permesso di Soggiorno 2024, ang mga required documents
Sa renewal ay kakailanganin ang mga sumusunod na dokumento:
- kopya ng permesso di soggiorno na mage-expired;
- kopya ng codice fiscale o tessera sanitaria;
- kopya ng contratto di affitto o dichiarazione di ospitalità o
- kopya ng certificato di residenza o stato di famiglia;
- Kopya ng pasaporte;
- Unilav na ipinadala ng employer sa Inps, o Modello Q kung colf;
- Deklarasyon mula sa employer kung saan nagta-trabaho sa kasalukuyan lakip ang kopya ng dokumento;
- Certificazione Unica (CU) o Dichiarazione dei Redditi o buste paga;
- Kontribusyon sa Inps kung colf.
Basahin din: Idoneità alloggiativa, ano ito at bakit ito mahalaga?
Renewal ng Permesso di Soggiorno, ang halaga nito
Para sa pagpapadala ng kit postale ay kailangang bayaran ang €30,00 (Posta Assicurata) at dapat idagdag ang mga sumusunod:
- € 16,00 Marca da bollo;
- 30,46 bollettino postale;
- At ang panghuling halaga ng bollettino ay batay sa uri ng permesso di soggiorno.
1)€70,46 para sa renewal ng mga permesso di soggiorno na balido mula 3 buwan hanggang 1 taon,
2)€ 80,46 para sa renewal ng permesso di soggiorno na balido mula 1 taon hanggang 2 taon,
3) € 130,46 para sa permesso di soggiorno per lungo soggiornanti.
Sa kasong ang renewal ng permesso di soggiorno ay para din sa mga mas bata sa 14 anyos, ay kailangang ilagay sa loob ng kit ang isa pang bollettino postale na nagkakalahaga ng € 30,46 para sa sarili nitong e-card.
Source: Ministero dell’Interno