Mula ISEE ordinario a ISEE corrente. Isang mahalagang hakbang ang pagkakaroon ng ISEE upang makaroon ng access sa mga programa at benepisyo mula sa gobyernoang mga mamamayan. Ang pamantayang ginagamit ng gobyerno ay batay sa tinatawag na ISEE o Equivalent Economic Situation Indicator. Samakatwid, kung ang ISEE ay masyadong mataas, maaaring hindi maging kwalipikado sa pagtanggap ng mga benepisyo o maputol din ang ilang bonus na natatanggap. Narito ang posibleng solusyon para sa sinumang mayroong mataas na ISEE declaration. Ito ay ang ISEE corrente. Narito kung paano matatanggap ang mga bonus sa pamamagitan ng ISEE corrente.
Basahin din: Handa na ba ang ISEE para sa pag-aaplay ng bonus? Narito ang mga pangunahing bonus 2024 na batay sa ISEE
Mula ISEE ordinario a ISEE corrente
Mula ISEE ordinario a ISEE corrente. Ang mga Bonus at benepisyo ay maaaring matanggap kapag mayroon lamang balidong ISEE. Ang ISEE ordinario 2024 ay batay sa ari-arian ng pamilya noong December 31, 2022. At pati ang kabuuang kita o sahod ay batay din sa parehong petsa. Ngunit kung ang mga kinita o ari-arian sa nabanggit na petsa ay ubos na o wala na sa ngayon, ang INPS (o ang National Social Security Institute ng Italya) ay nagbigay ng isang opsyon. Ito ay ang paga-apply ng ISEE Corrente. Ang ISEE Corrente ay isang bersyon ng sertipikasyon na mas malapit sa kalagayang pinansyal at ari-arian ng isang pamilya sa kasalukuyang sitwasyon. Ito ay kapaki-pakinabang sakaling dalawang taon bago ang petsa ng pagsa-submit ng DSU, at ang financial status ng pamilya ay nagkaroon ng negatibong pagbabago, samakatwid, ito ay lumala.
Paano matatanggap ang mga bonus sa pamamagitan ng ISEE Corrente?
Kailan humihingi ng benepisyo o tulong ang isang pamilya? Siguradong kapag nasa sitwasyon ng pangangailangan. At kung ang panahon ng pangangailangan ay ngayon, at ang kita o sahod na tinutukoy ay noong dalawang taon na ang nakakaraan, ito ay hindi na angkop sa kasalukuyan. Ibig sabihin, 2 years ago ay maayos pa ang sitwasyon financially, at sa ngayon ay hindi na.
Kung sa ngayon, ang isang pamilya ay gagawa ng variation o pagbabago sa kabuuang sahod na mas mataas ng 25% kumpara sa nakadeklara sa ISEE ordinario, ay maaaring gumawa ng ISEE corrente. Gayunpaman, dapat tandaan na hindi kaagad maaaring kumuha ng ISEE corrente. Kailangan munang gumawa ng regular na ISEE o ISEE ordinario at pagkatapos lamang makakahingi ng ISEE corrente. Ito ay para sa mga ari-arian tulad ng mga bahay at iba pa na mayroon noong 2022 at naibenta na ngayon, o ang pondo sa bangko o sa posta na nasa account noong 2022 at ngayon ay ubos na o trabaho noon, na ngayon ay wala na. Gayunpaman, ang variation o pagbabago ay dapat na higit sa 20%. At para sa ganitong uri ng ISEE, ay kailangang hintayin ang buwan ng April para sa variation.
Basahin din: Mga pagbabago sa Bonus Trasporto 2024. Narito kung paano awtomatikong matatanggap!
Validty ng ISEE corrente, dapat isaalang-alang
Isang bagay na hindi dapat balewalain ay ang validity ng ISEE corrente. Ito ay iba kumpara sa ISEE ordinario. Sa katunayan, ang huling nabanggit ay balido mula sa petsa ng paggawa ng DSU (anong buwan man ito gawin) hanggang December 31 ng bawat taon. Samantala, ang ISEE corrente ay balido laman ng 6 na buwan. Samakatwid, makalipas ang 6 na buwan ay kailangan ulit gawin ang DSU para gawin ang ISEE corrente, at maging balido ito hanggang sa katapusan ng taon. Tandaan na kung hindi susundin ang nabanggit para sa validity ng ISEE corrente, ay may posibilidad na matanggal ang mga benepisyo na natatanggap dahil sa ISEE corrente.