Paboritong target ang mga OFWs ng mga investment scammers! Kilalanin at alamin ang kanilang modus operandi. Karaniwang iniaalok ng mga investment scammers sa mga OFW dito sa Italya ang diumano’y garantisado, mabilis at malaking interest sa pera na ii-invest at karaniwan umano’y tax free. Ang mga OFW na halos walang experience sa mga formal institutions ang karaniwang nabibiktima ng mga investment scams sa paghahangad na tumaas ang net worth o mapabilang sa mga sinasabing yumaman sa nasabing scheme. Maaaring ang iba ay natutukso na lumahok dito upang makamit ang kanilang layunin na mabilis na pagyaman o ang get-rich-quick scheme.
Basahin din: Marangyang buhay sa social media? Siguraduhing bayad na ang buwis! Narito ang dahilan
Ang nabanggit na investment scams o modus operandi na kumakalat sa kasalukuyan sa mga communities ay umaaakit sa mga biktima sa pamamagitan ng pagpapain ng madaling pagkita ng pera. At kadalasan ay hindi ito totoo at lumilikha pa ng mas malaking financial problems sa halip na maging lunas ito tulad ng unang inaasahan.
Basahin din: Narito kung magkano ang kailangang kita sa Italya upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
Investment Scammers, kilalanin ang modus operandi
Tanging ang pagkilala sa mga modus operandi o sa mga uri ng scheme na ito ang makakatulong upang maiwasang maging isa sa mga biktima nito.
Kaya’t patuloy ang pagbabanta sa mga OFWs ng mga government at private institution na maging mapanuri partikular kung nangangako ng malaki o dobleng balik ng halaga ng investment, kung gumagamit ng false claims sa pagkombinsi, mgaunrealistic guarantees or claims at legitimate alternatives katulad ng pagsisimula ng bagong negosyo, pag-iinvest, at pagtatrabaho katulad ng isang financial consultant.
Basahin din: SOS? Narito ang Emergency Hotline na dapat tawagan
Maaaring gumamit din ng isang social media influencer na “make money while you sleep” or “make money instantly without paying anything. Ito ay kinokonsidera na red flag o isang investment scam scheme.
Bukod sa nabanggit, mayroon pang ibang modus operandi na ginagamit ang mga scammers. Isa na dito ang pag-aalok ng tunay na investment ngunit ang ibinigay na pera ay hindi napupunta sa investment. Halimbawa, ang mga naunang investors ay nakakatanggap ng malaking amount ng cheques upang sila ay masatisfied. Magdadagdag o magrerecruit ulit ng mga bagong ‘miyembro’ bilang mga bagong investors.
Ang investment na ito ay isang fraud o hindi talaga nagi-exist. Ang “interest cheques” ay nanggagaling sa mga new investors. Kapag huminto na ang pagpasok ng mga bagong investors doon malalaman na wala ng pambayad ng interest saka pa lang madidiskubre na ito ay isang investment fraud.
Ilang sangay ng gobyerno ang walang tigil sa pagbibigay ng paalala sa ating mga OWFs na maging maingat sa pakikipag-usap sa mga agent partikular sa mga nag-ooffer ng high-yield investments or too-good-to-be-true offshore investments.
Maging maingat, mapanuri at huwag mag-atubiling i-report sa awtoridad ang mga ganitong uri ng scam. Mahirap kitain ang pera sa kasalukuyan, kaya’t bawat sentimo ay dapat pahalagahan at siguraduhin kung papasok man sa isang business o isang investment.