Ang pagdidyeta ay isang hamon na kinakaharap ng marami, at may iba’t ibang paraan para marating ang layunin. May mga nagfo-focus sa pagbawas ng calorie intake habang ang iba naman ay kumukunsulta sa mga plant-based na diet. Ngunit mayroong isang bagong trend na kumakalat at kinikilalang isa sa mga pinakaepektibong paraan ng pagbaba ng timbang ngayon – ito ay ang Intermittent Fasting o IF! Alamin kung paano ito magagamit upang makamit ang inaasam na katawan at kung paano magsisimula sa low carb intermittent fasting.
Basahin din: Ano ang Vitamin D at ano ang halaga nito sa katawan ng tao?
Ano ang Intermittent Fasting (IF)?
Ang Intermittent Fasting ay ang usong paraan ng pagdidyeta kung saan pinagpapalit-palit ang pagkain at pagpa-fasting mula ilang oras hanggang 24 oras. Sa halip na magtuon sa anong klase ng pagkain, sa intermmitent fasting, ay tinitingnan kung kailan kakain. Isa ito sa mga sikat na paraan ng pagbaba ng timbang sa kasalukuyan dahil hindi lang ito nakakatulong sa pagpapapayat kundi pati na rin sa pag-iwas sa iba’t ibang sakit.
Paano gagawin ang Intermittent Fasting?
May iba’t ibang paraan ng IF at lahat ay batay sa pagbabawas ng calorie intake, kaya popular ito sa mga nagbabalak magpapayat. Pumili lang ng tamang paraan na angkop sa sariling lifestyle at tiyaking hindi kakain ng sobra sa mga araw na kailangan kang kumain.
- 5:2 Method: Limitahan ang pagkain sa 500 calories sa dalawang araw sa isang linggo, at kumain ng normal sa iba pang limang araw.
- Alternate-Day Method: Fasting nang every other day, halimbawa, fasting sa isang araw at kakain ng normal sa susunod na araw.
- Time-Restricted Fasting (16/8 o 14/10): Pumili ng oras kung kailan kakain, at naka-fasting nang 14-16 oras kada araw.
- 24 Hr Method: Fasting sa buong 24 oras, kadalasan isa o dalawang beses sa isang linggo.
Ang Intermittent Fasting ba ay may side effects?
Kahit epektibo ang IF sa pagpapayat, hindi ito para sa lahat. Bago magsimula, importante na alamin ang mga posibleng epekto nito para maagapan.
- Gutom: Hindi madaling mag-adjust ang katawan sa gutom, maaaring magdulot ito ng mood swings at kawalan ng gana.
- Pagkapagod at Kawalan ng Focus: Kadalasan, ang pag-iwas sa almusal ay nakakapagdulot ng pagkapagod at kawalan ng focus.
- Orthorexia: Kung sobra kang kumain sa mga non-fasting days, maaaring magdulot ito ng pagiging maingat sa pagkain at pagiging obsessed sa pagkain.
- Mababang Antas ng Asukal sa Dugo: Posibleng magdulot ito ng panghihina at pananakit ng ulo.
- Hirap sa Pagtulog: Ang IF ay maaaring makaapekto sa iyong pagtulog, lalo na sa rapid-eye movement (REM) sleep.
Mahalaga na maging maingat at kumunsulta sa eksperto bago subukan ang IF para siguradong ligtas at epektibo ang iyong pagpapayat!
Source: