Skip to content
Home » Pera sa bank account sa loob ng 10 segundo at walang additional fee kahit weekend, aprubado sa Europa

Pera sa bank account sa loob ng 10 segundo at walang additional fee kahit weekend, aprubado sa Europa

08/02/2024 18:45 - INI-UPDATE 08/02/2024 21:08
instant bank transfer

Nagbigay na ng go-signal ang European Parliament sa Instant Credit Regulation. Alamin natin kung ano at paano magbabago ang ating mga bank transactions.

Ang regulasyon

Ang bagong EU regulation ay aprubado ng 599 votes, 7 ang tutol, at 35 ang abstentions. Layunin nitong bawasan ang panahon para matanggap ang pera mula sa mga bank transfers para sa mga Small and Medium Enterprises (SMEs). Partikular ang tiyakin na ang pagpapadala ng pera ay makakarating sa loob lamang ng sampung segundo. Ang teksto, na unang pinagkasunduan ng mga State Members ng EU, ay sinusugan ang kasalukuyang patakaran ng Single Euro Payments Area o SEPA. Ang bagong regulasyon ng UE ay tiyakin na ang mga customer at negosyo, lalo na ang mga SMEs, ay hindi na maghihintay ng matagal mula sa mga bank transfer, at mapabuti ang seguridad ng pagpapadala nito Ang bagong patakaran ay magkakabisa 20 araw matapos ang paglalathala sa Official Journal ng EU. Ang mga State Members ng EU ay may 12 buwan upang ipatupad ang regulasyon.
Basahin din: Bagong taon, bagong trabaho sa isang bagong bansa? Aling bansa sa Europa ang may pinakamataas na minimum wage 2024?

Ang mga benepisyo

Ang mga bangko at mga Payment Service Provider, o PSPs, ay dapat tiyakin na ang mga bank transfer ay agad na maiproseso. Pati na rin ang mga Member States na hindi euro ang currency ay dapat magpatupad din ng bagong patakaran. Sa katunayan, ang instant bank transfer ay ibinibigay na ng ilang institusyon, ngunit kadalasan ito ay may napakataas na service fee kumpara sa normal na bank transfers. Ngunit sa bagong regulasyon ay wala nang karagdagang bayad! Ang instant bank transfer ay dapat na iproseso, anuman ang araw o oras, at ang pera ay dapat dumating sa account ng recipient sa loob lamang ng sampung segundo. Ang nagpadala ng pera ay makakatanggap din ng kumpirmasyon ukol sa inaasahang pagtanggap ng pinadalhan sa loob ng sampung segundo.

instant bank transfer

Recipient verification at maximum amount

Ang mga PSPs ay dapat magkaroon ng mga solido at updated measures upang maiwasan ang pagkakamali o ang maipadala ang pera sa maling account dahil sa pandaraya o error. Para dito, ang mga PSPs na nag-ooperate sa EU ay dapat magbigay agad, nang walang karagdagang bayad, ng isang serbisyo para maverify ang recipient. Bilang karagdagang proteksyon laban sa pandaraya, dapat payagan ng mga PSPs ang kanilang mga customer na magtakda ng maximum amount para sa instant bank transfers sa euro.

Ang layunin

Ang bagong batas ay layuning tugunan ang dalawang pangunahing layunin: proteksyon at higit na serbisyo at labanan ang tax evasion. Una, upang maiwasan, lalo na ang mga negosyo na maghintay ng masyadong matagal para sa kanilang kinakailangan na operasyon, at pangalawa, upang mapabuti ang pagbabantay sa transaksyon upang maiwasan ang iligal na aktibidad.
Ayon kay Michiel Hoogeveen (ECR, NL), ang MEP lead: “Ang regulasyon sa instant payment ay ang katuparan ng matagal nang inaasam na modernisasyon ng pagbabayad sa European single market.” Isang pagbabago na lalong nagpapalakas sa mga electronic payment methods.