Skip to content
Home » Idoneità alloggiativa, ano ito at bakit ito mahalaga?

Idoneità alloggiativa, ano ito at bakit ito mahalaga?

27/01/2024 22:36 - INI-UPDATE 30/01/2024 13:59
ano ang Idoneità Alloggiativa paano mag-aplay

Ang idoneità alloggiativa ay isang sertipiko na nagpapatunay ng pagiging angkop ng isang tirahan sa Italya. Ang pagiging angkop o idoneo ng isang tirahan o alloggio ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mga pamantayan na itinalaga ng local o national authority. Ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng sapat na sukat o laki, batay sa bilang ng mga taong nakatira roon at nagtatalaga ng mga pangunahing pamantayan sa kalusugan at kalinisan,

Ang pagiging allogio idoneo ay mahalaga para sa lahat ng mga dayuhan Italya para sa mga sumusunod na dokumento:

  • Permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo;
  • Ricongiungimento familiare o Coesione familiare;
  • Visto ingresso per lavoro autonomo;
  • Regolarizzazione/Emersione/Sanatoria
  • Decreto Flussi

Idoneità Alloggiativa, mga parameters

Ang mga katangian ng isang tirahan na itinuturing na idoneo o angkop ay itinakda ng Ministry of Health noong Hulyo 5, 1975. Narito ang mga parameters:

Laki para sa bawat naninirahan

  • 1 naninirahan – 14 sqm 
  • 2 mga naninirahan – 28 sqm 
  • 3 mga naninirahan – 42 sqm 
  • 4 na naninirahan – 56 sqm 
  • para sa bawat kasunod na bilang ng mga naninirahan +10 sqm

Komposisyon ng mga Silid

  • Silid-tulugan para sa 1 tao – 9sqm 
  • Silid-tulugan para sa 2 tao – 14sqm + isang sala ng 14sqm 

Mono-stanza o studio unit 

  • 1 tao – 28 sq m (kasama ang banyo) 
  • 2 tao – 38 sqm (kasama ang banyo) 

Bentilasyon

Ang sala at kusina ay dapat na mayroong bintana na maaaring mabuksan. Ang mga banyo ay dapat na may exhaust fan kung walang bintana. 

Heater

Ang angkop na tirahan ay dapat na mayroong sistema ng heater.

Idoneità Alloggiativa, paano mag-aplay at ang mga dokumentasyon kailangan

Ito ay iniisyu ng Ufficio Tecnico ng Comune kung saan residente o ng Ufficio Igiene Pubblica ng A.S.L. Ang request sa pagkakaroon nito ay maaaring gawin ng may-ari o umuupa ng bahay.
Basahin din: Colf at caregivers, magkano ang increase sa minimum wage ngayong 2024?

IdoMga requirements sa pag-aaplay

  • Balidong dokumento, Permesso/Carta di soggiorno;
  • Kopya ng atto di locazione (comodato d’uso o proprietà dell’immobile);
  • Dichiarazione di ospitalità;
  • Planimetria e destinazione d’suo 
  • Marca da bloo € 16,00

Ang sertipikong ito ay walang expiration, ngunit dapat i-renew tuwing may pagbabago sa tirahan. Gayunpaman, ang mga Sportello Unico, maliban para sa Ricongiungimento familiare, ay karaniwang humihingi ng sertipiko ng idoneità alloggitiva na inisyu ng hindi lalampas sa anim na buwan.  

Ang pag-iisyu ng nasabing sertipiko ay karaniwang nagtatagal ng tatlo hanggang apat na linggo para sa pagproseso.

Source: Integrazionimigranti.gov.it