Public Holidays sa Italya 2024 – Naninirahan ka ba sa Italya o pupunta ka sa Italya para mag-tour o magbakasyon? Sa parehong nabanggit, mahalagang alam mo ang mga petsa ng mga public holidays ng Italya. Kung sa Italya ka naninirahan, ang mga ito ay mga araw ng pahinga at relax. Samantala, kung isang turista o magbabakasyon sa Italya, sa mga araw na ito, ang mga shops at public institutions ay posibleng sarado o magkakaroon ng reduced public hours. Upang matiyak na wala kang mamimis na anumang mahalagang bagay sa mga araw na nabanggit, narito ang mga mahahalagang petsa na kailangan mong malaman. Markahan ang kalendaryo ng mga araw ng pista opisyal sa Italya ng 2024.
Mga Public Holidays sa Italya 2024
Ang mga public holidays ay tinatawag na ‘giorni festivi’ sa Italya. Ang mga araw na ito ay itinalaga ng batas. Kasama dito ang mga araw ng linggo at mga special holidays tulad ng pagdiriwang ng pista ng mga santo.
Mayroong 14 na regular at special public holidays sa Italya taun-taon. Marami sa mga holidays ay religious holidays. Ang pinakamahalaga ay ang Easter Sunday o Pasqua at Christmas Day o Natale. Ang dalawang special holidays naman ay esklusibong sa Rome at Milan lamang.
Narito ang listahan ng mga public holidays sa Italya 2024
Petsa | Araw | Holiday |
January 1 | Monday | Capodanno (New Year) |
January 6 | Saturday | Epifania (Epiphany) |
March 31 | Sunday | Pasqua (Easter Sunday) |
April 1 | Monday | Pasquetta (Easter Monday) |
April 25 | Thursday | Liberation Day |
May 1 | Wednesday | Festa del lavoro (Labor Day) |
June 2 | Sunday | Festa della Repubblica (Italian Republic Day) |
August 15 | Thursday | Ferragosto (Assumption day) |
November 1 | Friday | Ognissanti (All Soul’s Day) |
December 8 | Sunday | Festa della Immacolata (Feast of the Immaculate Conception) |
December 25 | Wednesday | Natale (Christmas Day) |
December 26 | Thursday | Santo Stefano (Second day of Christmas Day) |
Public holidays 2024 sa Italya: Ang mga special public holidays sa bansa
Bukod sa mga regular public holidays, narito ang mga special holidays sa bansa
Petsa | Araw | Holiday |
June 29 | Saturday | Feast of Saints Peter & Paul (Rome) |
December 7 | Saturday | Feast of Saint Ambrose (Milan) |
Public Holidays 2024 sa Italya: Kailan mayroong long-weekend?
Bago pa man sumasapit ang mga religious holidays na nabanggit sa itaas, maraming mga Italians ang dumadalo sa mga church services o ginugugol ang panahon kasama ang kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagta-travel partikular kung long weekend.
Holiday | Araw | Bilang ng long-weekend |
Epiphany | January 6 – Saturday | 2 days |
Easter Sunday hanggang Easter Monday | March 31 – April 1 Sunday – Monday | 3 days |
Liberation Day | April 25 – Thursday | 4 days |
Labor Day | May 1 – Wednesday | 5 days |
Feast of Saints Peter & Paul | June 29 – Saturday | 2 days |
Ferragosto | August 15 – Thursday | 4 days |
All Soul’s Day | November 1 – Friday | 3 days |
Christmas Day & Second day of Christmas | December 25 – 26 Wednesday – Thursday | 5 days |
Public holidays sa Italya 2024: Ilang working days mayroon ang taong 2024?
Ang 2024 ay isang leap year at samakatwid ay mayroong kabuuang 366 days. Kung tatanggalin sa bilang ang mga weekends (52 Saturdays at 52 Sundays) ang bilang ng mga working days ay may kabuuang 262.
At kung tatanggalin sa listahan ang 9 na araw ng public holidays na working days, ay 253 days ang magiging kabuuang bilang ng mga working days sa taong 2024.
Source: https://presidenza.governo.it/ufficio_cerimoniale/cerimoniale/giornate.html