Pagbabago ng oras para sa Summer 2024: Sa kabila ng patuloy na debate tungkol sa pag-aalis ng taunang pagpapalit ng oras, nalalapit muli ang pagdating ng Summer time at samakatwid, nalalapit na din i-adjust muli ang mga orasan, o ang tinatawag na Daylight Saving Time. Narito kung kailan magbabago ng oras para sa Daylight Saving 2024.
Basahin din: Ano ang Vitamin D at ano ang halaga nito sa katawan ng tao?
Ang Pagbabago ng oras para sa Summer time o ang Daylight Saving Time
Sa nakalipas na mga taon, maraming mga bansa ang ganap na inalis na ang pagbabago ng oras. Sa Europen Union, ang pagbabago ng mga regulasyon ay mas komplikado. Bilang resulta,ang mga Member States ay malapit ng muling umangkop sa direktiba ng European Parliament mula 2000 at baguhin ang mga orasan.
Hindi lahat ay gusto ang daylight saving time, dahil umuusad ang mga orasan at biglang mababawasan tayo ng 60 minutong tulog. Ayon pa nga sa ilang pag-aaral na nagdudulot ito ng mas mataas na rate ng mga atake sa puso, mga aksidente sa kalsada, mga pinsala sa lugar ng mga trabaho at krimen.
Ayon sa Statista.com, kasalukuyang 40% lamang ng mga bansa sa mundo ang natitirang gumagawa ng world practice sa pagbabago ng oras. At ang natitirang 60% ng mga bansa ay nananatiling gumagamit ng isang oras lamang. Ang pagbabago sa oras ay inalis ng mga bansang, Egypt, Turkey, Armenia, Argentina, Brazil, at Russia. Hindi na binabago ang mga orasan ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait, Oman, Qatar at Yemen, gayundin sa India, China at Japan. Kamakailan, ang pagbabagonng oras ay inalis sa Syria, Iran, Jordan, at Mexico. Ang huling beses na nagbago ang oras sa mga bansang ito ay noong 2022.
Kailan ang pagbabago ng oras para sa Daylight Saving 2024
Ngayon taong 2024, ang pagbabago mula sa winter patungo sa summer ay magaganap sa araw ng Linggo, March 31. Iuusad ang mga orasan ng isang oras, mula 2:00am hanggang 3:00am. Ibig sabihin ay mababawasan tayo ng isang oras ang tulog! Ito ay tatagal hanggang October 27, 2024, kung kailan babalik sa winter time.
Alinsunod sa direktiba ng European Parliament, ang petsa ng pagbabago ng oras ay “flexible”. Ang regulasyon ay nagsasaad na dapat itong gawin dalawang beses sa isang taon: sa huling Linggo ng Marso at huling Linggo ng Oktubre. Pinili ang araw ng Linggo upang mabawasan ang epekto ng pagbabago ng oras sa pang-araw araw na buhay, kalusugan at sa aktibidad ng mga organisasyon. Basahin din: Intermittent Fasting (IF), ang Sagot sa Epektibong Pagpapayat!
Ang kasaysayan ng pagsisimula ng pagbabago ng oras sa panahon ng taglamig.
Mahalagang alalahanin na ang Germany ang unang nagpakilala ng dalawang beses na pagpapalit ng oras sa loob ng isang taon. Noong Unang Digmaang pandaigdig, Abril 30, 1916, sa Reich at kaalyadong Austria- Hungary, ang oras ay iniadjust ng isang oras at ipinakilala ang tinatawag na summer time. Nang maglaon, ang pagbabago ng oras ay ipinakilala ng Great Britain at karamihan sa mga bansang Europeo. Sa Russia, ang paglipat sa panahon ng tag-araw ay ipinatupad noong 1917 at sa Estados Unidos noong 1918. Sa Poland, ginamit ang oras ng tag-init sa mga taong 1916-1919, 1940-1949, 1957-1969 at mula 1977 hanggang sa kasalukuyan.