Skip to content
Home » eTravel Card, ikalawang Pasaporte sa pagpunta sa Pilipinas   

eTravel Card, ikalawang Pasaporte sa pagpunta sa Pilipinas   

06/02/2024 19:53 - INI-UPDATE 06/02/2024 20:12

Kahit saan mang sulok ng mundo, inaasam ng bawat Overseas Filipino Worker (OFW) ang makauwi at makapagbakasyon sa Pilipinas nang hindi mahirap ang proseso ng pagbiyahe. Sa pamamagitan ng registration ng eTravel Card online, naging mas madali at mabilis ang pag-uwi at paglabas muli ng mga Pilipino. Wala ng sasagutang mga paper arrival at departure cards bago dumating sa Pilipinas at wala na rin pila pagdating sa Pilipinas para sa registration ng eTravel.
Basahin din: Entry Visa papuntang Italya? Mas pinadali! Apat na ang Application centers sa Pilipinas

eTravel Card: Ano at para kanino ito? Bakit ito mahalaga para sa mga OFWs?

Ang eTravel Card ay opisyal na pumalit sa One Health Pass (OHP) bilang mahalagang dokumento sa pagdating sa Pilipinas. Ang bagong e-card na ito ay mas madaling sagutan at mas kaunting impormasyon ang kinakailangan. Alinsunod sa desisyon ng mga awtoridad sa kalusugan ng Pilipinas ginawang simple ang proseso ng arrival.

Ano ang eTravel Card?

Ang sistema ng e-travel ay ganap na inilunsad noong Abril 15, 2023. Ito ay isang online Health Declaration at Contact Tracing platform na layuning mapadali ang pagbibiyahe ng mga OFWs mula sa departure sa country of origin hanggang sa arrival sa local destination. Partikular, makalipas ag pandemya, ito ay mahalaga para sa Pamahalaan ng Pilipinas upang magkaroon ng database ng lahat ng pumapasok sa bansa.

Para kanino ang eTravel at sino ang dapat mag-apply nito?

Ang pagre-register sa eTravel ay mandatory para sa lahat ng mga travellers – OFWs (kasama ang mga bata), foreigners, flight crew members ay indibidwal na magre-register ng eTravel 72 hrs bago ang flight papunta at lumabas ng Pilipinas. Mahalagang sagutan ang eTravel form, dahil ito ay ipapakita bilang patunay ng registration bago ang boarding, kasama ng pasaporte na tila ikalawang pasaporte. Basahin din: Excited na bang mag-travel ngayong 2024? Narito ang complete list ng visa-free destinations para sa mga Philippine passport holders

eTravel Card sa pagpunta sa Pilipinas

Narito ang step by step registration online ng eTravel

  1. Magtungo sa etravel.gov.ph.
  2. Piliin ang “Philippine passport holder” o “Foreign passport holder” ayon sa nasyonalidad.
  3. Ilagay ang mga travel details at email address, at i-pressn ang “Continue.”
  4. Ilagay ang mga personal infos, address information, travel details, at destinasyon sa Pilipinas.
  5. Sagutan ang health declaration.
  6. I-double-check ang mga impormasyon para makumpleto ang registration.

QR Code ng eTravel Card

Matapos ang pagre-register ay makakatangga ng QR Code. Ipinapayong gawin ang screenshot o i-download ang personal QR Code bago lumabas sa website ng eTravel. Kailangang ipakita ang QR code sa airline representative bago ang flight. Pagdating sa Pilipinas, kailangan ding ipakita ang QR code sa mga opisyal ng Bureau of Quarantine (BOQ) para sa veripikasyon.

Green QR Code

Makakatanggap ng Green QR Code mula sa sistema ng eTravel kapag ang mga kinakailangang impormasyon at mga requirements ay kumpleto na. Kapag natanggap na ang Green QR Code ay qualified na sa “Express Lane” sa airport, kung saan isascan ito at itatag para date at time arrivalMaaaring hindi na rin kailanganin ang karagdagang impormasyon o pagsa-submit ng anumang dokumento.

Red QR Code

Makakatanggap ng Red QR Code sakaling mayroong kulang na requirements, at maaaring sumailalim sa isang manual verification.

Magkano ang eTravel Card?

Ang eTravel registration ay libre at walang sinuman ang pinahihintulutan na maningil ng bayad para dito, personal man o online. Mag-ingat sa mga manloloko o scam websites na humihingi ng bayad.

Source: etravel.gov.ph.