Skip to content
Home » Entry Visa papuntang Italya? Mas pinadali! Apat na ang Application centers sa Pilipinas

Entry Visa papuntang Italya? Mas pinadali! Apat na ang Application centers sa Pilipinas

29/01/2024 14:07 - INI-UPDATE 02/02/2024 19:40
Visa Application Centers papuntang Italya

Mas pinadali ang pag-aaplay ng visa papuntang Italya mula sa Pilipinas! Apat na ang Italy Entry Visa Application Centers sa Pilipinas. 

Ang apat na Visa Application Centers sa Pilipinas ay opisyal na binuksan ng Embassy of Italy in Manila at ng VFS Global, ang visa specialist for government and diplomatic missions sa Taguig, Cebu, Batangas at Davao. Sa mga visa centers ay maaaring mag-aplay ng lahat ng uri ng entry-visa papuntang Italya. 

Ayon kay Italian Ambassador to the Philippines Marco Clemente, ito umano ay upang matugunan ang padami ng padaming mga Pilipino na naghahangad na mabisita at manirahan sa Italya.

Aniya habang ang Pilipinas ay ang key source ng work force, business market at tourism ng Italya, ang bansang Italya naman ay patuloy na nagiging favorite destination ng mga Filipinos. 

Kaugnay nito, ang Consular Section ng Italian Embassy sa Pilpinas ay nag-issue ng kabuuang 35,000 entry visas noong nakaraang taon, mas higit ng 13,000 visas kumpara noong 2022. At inaasahan na ang bilang ay tataas pa mula 50,000 hanggang 100,000 ngayong taon

Dahil dito, hangad ng kasalukuyang Ambassador ng Italya sa Pilpinas  ang mga karagdagang hakbang upang gawing mas madali at mas maayos ang proseso ng pagbibiyahe. Ang mga centrs, sa katunayan, ito ay may mahalagang role sa epektibong pagtugon sa lumalaking demand patungo sa Italya. At ang pagkakaroon ng apat na visa centers sa Pilipinas ay isang mahalagang hakbang sa pagpapalalim pa ng bilateral agreement ng dalawang bansa.  

Ang mga nabanggit na visa application centers ay may modernong amenities at well-trained na mga tauhan upang matulungan ang mga visa applicants kahit sa pamamagitan ng call center, webchat, email, webform, at chatbot support para sa mabilisang pagtugon sa mga katanungan.

Basahin din: Renewal ng Permesso di Soggiorno 2024, narito kung paano

Narito ang mga address kung saan makakapag-apply ng visa papuntang Italya

  • Taguig: Ground Floor, One Campus Place, Building A, McKinley Town Center, McKinly Hill, Fort Bonifacio, Taguig City, Metro Manila
  • Cebu: Unit 1001C & 1004B, 10th Floor, Kepwealth Center Samar Loop, cor Cardinal Rosales Ave, Cebu City, 6000 Cebu
  • Batangas: Unit F01, Block J, Ground Floor, The Outlets at Lipa, LIMA Technology Center, Barangay Bugtong na Pulo and San Lucas, JP Laurel Highway, Lipa City, Batangas 4217
  • Davao: FES 07, Second Floor, Alfresco Area, Felcris Centrale, Brgy., 40-D Quimpo Blvd, Davao City, 8000

Sorce: Italian Embassy Manila