Ang mga electric scooters ay isang ebolusyon sa mobility sa panahon ng high technology. Sa katunayan, parami ng parami ang mga gumagamit ng makabagong uring ito ng traspotasyon sa Europa, partikular sa Italya. Ngunit sa lalong madaling panahon ay maaaring magbago ang lahat sa Italya. Kamakailan ay inaprubahan ng pamahalaan ang isang matinding pagpapatupad ng mga bagong regulasyon, tulad ng mandatory insurance at registered plate number para sa mga ‘monopattini’. Alamin kung ano ang nasasaad sa bagong Highway Code at kung ano ang mga parusa para sa paglabag sa mga bagong regulasyon.
Basahin din: Excited na bang mag-travel ngayong 2024? Narito ang complete list ng visa-free destinations para sa mga Philippine passport holders
Electric Scooter, ang sitwasyon sa Italya
Matagal na ang diskusyon ukol sa tamang paggamit ng e-scooter sa mga pampublikong kalsada. Ayon sa mga eksperto ay kailangang magkaroon ng mga pagbabago sa Highway Code, dahil ang kasalukuyang loophole sa batas ay nagpapahintulot sa makabangong uri ng trasportasyon na hindi makilala at naiipit sa pagitan ng klasikong sasakyan at bisikleta.
Malaki ang pangangailangan na gawin ang isang hakbang upang protektahan ang mga gumagamit ng electric scooter at ang mga gumagamit ng mga sasakyan at mga naglalakad. Ang inaprubahang bagong road code sa Italya ay nagtataglay ng pagbabagong radikal sa larangang ito.
Magpatuloy sa ilalim ng larawan.
Mandatory insurance at registered plate number para sa mga electric scooters
Ang bagong Italian Highway Code, na inilabas para sa taong 2024, ay nagdulot ng ilang mga pagbabago upang mapabuti ang pag-gamit ng mga scooter sa trapiko ng kalsada. Ang mga electric scooter ay ituturing bilang tunay na motor vehicles at samakatwid ay kailangang magkaroon ng mandatory insurance, isang rehistradong plaka, at mga turn signlas. Ito ang napagpasyahan upang masigurado ang kaligtasan para sa mga gumagamit nito.
Electric Scooter, ang mga susunod na pagbabago
Ang pagsusuot ng helmet ay magiging mandatory din para sa mga nagmamaneho ng scooter pati na rin sa mga menor de edad na angkas nila. Samantala, magkakaroon din ng mabigat na parusa para sa mga hindi sumusunod sa bagong regulasyon. Isang multa na nagkakahalaga ng €100 hanggang €400 para sa mga nagmamaneho nang walang insurance at isang multa na nagkakahalaga ng €200 hanggang €800 para sa mga walang turn signals at preno sa parehong gulong. Ipagbabawal din ang pagpa-park ng mga electric scooters sa mga banketa o sidewalks. May speeed limit din hanggang 50 km/h sa mga city roads. Sa madaling salita, nalalapit na ang pagiging tunay na road vehicle ng mga electric scooters sa Italya.
Basahin din: Marangyang buhay sa social media? Siguraduhing bayad na ang buwis! Narito ang dahilan