Skip to content
Home ยป Paano maiiwasan ang dengue sa Italya? Alamin ang mga hakbang ng Ministry of Health

Paano maiiwasan ang dengue sa Italya? Alamin ang mga hakbang ng Ministry of Health

14/02/2024 23:12 - INI-UPDATE 15/02/2024 16:50
Dengue kumakalat sa maraming bansa

Ang dengue ay patuloy na kumakalat sa iba’t ibang bansa sa mundo, kabilang na ang Europa. Ito ay isang nakakatakot na impeksyon na dulot ng virus na dala ng mga lamok. Ang pagtaas ng mga kaso ng dengue ay naghahatid ng pangamba sa maraming tao sa Italya at sa buong mundo. Alamin sitwasyon sa Italya at sa buong mundo.
Basahin din: Ano ang Vitamin D at ano ang halaga nito sa katawan ng tao?

Sitwasyon sa Italya

Naglabas ang Ministry of Health ng isang note upang mapigilan ang pagpasok ng sakit sa Italya. Ang note ay nagsasabing dapat itaas ang antas ng babala at pagbabantay sa mga sasakyang pandagat at mga kalakal na galing sa mga bansa kung saan ang mataas ang panganib ng sakit. Kabilang dito ang Argentina, Brazil, Bangladesh, at marami pang iba sa Timog Amerika, Africa, Asya, at mga isla sa Pasipiko, ayon sa ulat ng Center for Disease Control and Prevention ng United States. Ang pagbibigay babala ay kinakailangang gawin, ngunit hindi ito nangangahulugan na may mataas na panganib ang Italya.

Base sa International Health Regulations, sa mga “airports, ports at ang 400 meters sa paligid” ay dapat na “walang pagmumulan ng impeksyon at kontaminasyon, kaya’t kailangan din na walang mga daga at insekto.” Upang magawa ito, nagbigay ang Ministry ng tagubilin na maingat na bantayan ang “pagpapalinis ng mga eroplano at pag-aralan ang sitwasyon kung kailangang maglabas ng mga ordinansa para sa pagsasagawa ng mga partikular na hakbang para ma-disinfect ang mga lugar. 

Bakuna laban sa Dengue, available na

Bukod dito, para sa higit na pag-iingat, ay maaari nang magpabakuna laban sa dengue fever simula February 19, 2024 sa Instituto Spallanzani sa Roma, ang pinakamahalagang Research Center ng mga nakakahawang sakit. Gayunpaman, kailangan ang magpa-book sa pamamagitan ng Centro Unico di Prenotazione o sa pamamagitan ng email sa [email protected].
Basahin din: Electric Scooter, may bagong regulasyon! Mandatory insurance at plate number. Multa sa mga lalabag.

Pagkalat ng Denge sa Brazil, Argentina at Bangladesh

Mula noong simula ng 2024, ang nakakahawang virus, na naipapasa ng ilang uri ng lamok, ay nagdulot ng 500,000 kaso at 300 na ang naging biktima nito sa Brazil. Sa katunayan ay nagdeklara na ang Rio de Janeiro noong Enero ng State of Emergency, habang sa Argentina, ang Ministry of Health  ay nagdeklara ng Health Emergency noong Decembre 2023. Malala din ang sitwasyon rin sa Bangladesh, kung saan noong 2023, ay umabot sa mahigit na 1,700 ang mga namatay mula sa dengue. Noong nakaraang taon din, naitala sa Italya ang 82 cases at sa France naman ay 43 cases. Mga numero na nagtutulak sa mga Health Authorities na maging mas maingat.

Noong Hunyo 2023, naglabas ng babala ang WHO para sa posibleng pagkalat ng virus, kasunod ng mga unang kaso sa Sudan na hindi naitala, ang pagdami ng mga kaso sa Europa kumpara sa karaniwang bilang (nananatiling under control) at ang deklarasyon ng State of Emergency ng Ministry of Health  sa Peru. Sa mga nakaraang taon, ang dengue ay natala ng rekord noong 2019, kung saan may 5.2 milyong kaso kumpara sa unang 500,000 na naitala noong 2000. Noong 2022, mayroong 4.2 milyon na kaso at noong 2023, halos bumalik ito sa 5 milyon.