Bakit karaniwang araw ng Linggo ang day off ng mga domestic workers sa Italya? Magkano ang sahod na matatanggap kapag nag-trabaho ang colf sa araw ng kanyang day-off? Ito ay ang mga katanungang lilinawin ng regulasyon sa pamamagitan ng artikulo 13 ng CCNL sa domestic job.
Day off ng mga live-in na domestic workersÂ
Ang mga colf at caregivers na naka live-in sa mga employers, ay may karapatan sa karagdagang 12 oras na half-day na pahinga, bukod pa sa araw ng Linggo, para sa kabuuang 36 oras ng pahinga kada linggo. Ang 12 oras na ito ay maaaring sa anumang araw na napagkasunduan ng pareho – employer at colf. Bukod dito, ang domestic worker na naka live-in ay hindi maaaring magtrabaho ng higit sa kalahati ng normal na oras ng trabaho sa araw na iyon.
Basahin din: Colf at caregivers, magkano ang increase sa minimum wage ngayong 2024?
Trabaho sa araw ng day off ng mga domestic workers
Ang araw ng day off ay napakahalaga para sa colf o caregiver at ito ay hindi maaaring balewalain. Gayunpaman, batay sa sitwasyon at pangangailangang hindi inaasahan, maaaring i-request ng employer ang serbisyo ng colf sa araw ng day off, samakatwid sa araw ng Linggo.
Ang oras ng trabaho sa araw ng day off, partikular sa araw ng Linggo ay dapat na bayaran ng higit ng 60% sa kabuuang sweldo ng colf o caregiver. Bukod dito, ang employer ay dapat magbigay ng parehong bilang ng mga oras na ipinag-overtime ng colf bilang kapalit nito sa ibang araw.
Gayunpaman, kung kakailanganin ang serbisyo ng colf sa oras ng half-day off, na hindi araw ng Linggo ay kailangang bayaran ito ng higit ng 40% ng employer, maliban na lamang kung ito ay ibibigay ng ibang araw sa parehong linggo.
Source: Assindatcolf.it