Skip to content
Home » Citizen by birth, kailan ibinibigay? Anong mga bansa ang nagbibigay ng citizenship by birth?

Citizen by birth, kailan ibinibigay? Anong mga bansa ang nagbibigay ng citizenship by birth?

27/02/2024 15:32 - INI-UPDATE 27/02/2024 15:48
bansa na nagbibigay citizen by birth

Ang “citizen by birth” o “natural-born citizen” ay isang tuntunin sa batas ng pagiging mamamayan na tumutukoy sa isang indibidwal na awtomatikong nagkakaroon ng citizenship ng isang bansa dahil ipinanganak sa teritoryo ng bansa na iyon. Sa ilang mga bansa, ang mga indibidwal na ipinanganak sa loob ng teritoryo ng bansa ay tinuturing na natural-born citizens ng bansa na iyon, anuman ang nasyonalidad ng kanilang mga magulang. Samakatwid, ay awtomatikong citizen by birth. Gayunpaman, may ilang mga bansa naman ang nagbibigay ng citizenship by birth, subalit may ilang kondisyon. Alamin kung kailan ibinibigay ang citizen by birth at kung alin ang mga bansa ang nagbibigay ng citizenship by birth.
Basahin din: Excited na bang mag-travel ngayong 2024? Narito ang complete list ng visa-free destinations para sa mga Philippine passport holders

Narito ang mga bansa na nagbibigay ng ‘citizenship by birth’

1) Canada
Awtomatiko na ibinibigay ang citizenshio by birth, maliban sa mga anak ng mga diplomat. 

2)USA
Awtomatiko na ibinibigay ang citizenshio by birth, maliban sa mga anak ng mga diplomat. 

3) Argentina
Awtomatiko na ibinibigay ang citizenshio by birth, maliban sa mga anak ng mga diplomat. 

4) Brazil
Awtomatiko na ibinibigay ang citizenshio by birth, maliban sa mga anak ng mga diplomat. 

5) France
Ayon sa Economic times, kung ang parehong magulang ay dayuhan o foreigners, ang anak ay magkakaroon lamang ng citinzeship sa pagsapit ng 13 anyos at sa kundisyong matutugunan ang mga requirements ng citizenship by residency.

 

6) United Kingdom
Agad na ibinibigay ang citizenship by birth sa anak kung, kahit isa mga magulang ay mayroong permanent residency.

7) Cambodia
Ibinibigay ang citizenship by birth sa anak kung ang mga magulang ay regular ang pananatili sa kapanganakan ng anak at mayroong regular na residence permit. 

8) Pakistan
Lahat ng mga batang ipinapanganak dito ay binibigyan ng citizeship by birth, maliban sa mga diplomats.

9) Germany
Ang isa sa mga magulang ay dapat na mayroong permanent residency ng tatlong taon at mula walong taong permanent residency bago ipanganak ang bata. 

10) Greece
Kung mga magulang ay nanirahan sa bansa ng hindi bababa sa 5 taon bago ipanganak ang bata. 

11) Ireland
Ang mga magulang ay dapat na mayroong permanent residency o regular ang paninirahan ng hindi bababa sa 4 taon bago ipanganak ang bata. 

12) Australia
Dapat ay mayroong permanent residency ang kahit isa sa mga magulang o kung naninirahan ang bata sa Australia hanggang sa edad na 10.

 

13) New Zealand
Dapat ay mayroong permanent residency ang kahit isa sa mga magulang sa New Zealand o sa Australia, o hindi makakuha ang bata ng citizenship sa dalawang bansa.