Carta Acquisti Prepaid Card 2024, paano matatanggap? Kahit sa taong 2024 ay matatanggap ulit ng mga pamliya sa Italya ang €80,00 tuwing ikalawang buwan (€40,00 kada buwan) para sa grocery, sa mga gamit pangkalusugan, at pagbabayad ng kuryente at gas. Ito ay matatanggap sa pamamagitan ng Carta Acquisti 2024 Prepaid card, ngunit hindi lahat ay maaaring magkaroon nito. Alamin kung anu-ano ang mga requirements, sino ang mga kwalipikadong makatanggap at paano mag-apply.
Basahin din: Bonus para sa mga Senior Citizen: Narito kung paano magkakaroon ng discount sa bus, tren, barko at eroplano
Carta Acquisti Prepaid Card 2024, paano matatanggap?
Sino ang kwalipkadong makatanggap ng Carta Acquisti 2024?Ang mga kwalipikadong makatanggap ng Carta Acquisti.2024 ay ang mga senior citizens mula 65 anyos at mga may edad na tatlong taon pababa (ang mga magulang ang magiging owner ng card), ngunit kailangang makatugon sa mga requirements.
Requirements para sa mga Senior Citizens mula 65 anyos
Kabilang sa mga requirements para sa mga senior citizen, bukod sa pagiging nakatala bilang residente sa Anagrafe Comunale, ay kailangan din ang pagkakaroon ng permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti at ng ISEE na hindi lalampas sa € 8.052,75. Ang ISEE ay mas mataas para sa mga over70, € 10.737,00.
Bukod dito, hindi maaaring nakapangalan sa senior citizen (at sa kanyang asawa) ang higit sa isang utility account para sa kuryente at gas.
Hindi rin maaaring maging may-ari ng higit sa isang sasakyan at ng higit sa 25% ng isang residential property (10% kung ito ay para sa ibang gamit), at hindi rin maaaring maging may-ari ng isang mobile asset na higit sa €15,000.
Requirements para sa mga tatlong taon pababa
Katulad ng sa senior citizen, ang ISEE ay kailangang hindi lalampas sa € 8052,75. Hindi maaaring nakapangalan sa magulang ng menor ang higit sa isang utility account ng kuryente at gas. Hindi ibibigay ang Carta Acquisti sa mga magulang na mayroong dalawang sasakyan at may-ari ng higit sa 25% ng isang residential property (10% kung ito ay para sa ibang gamit), at hindi rin maaaring maging may-ari ng isang mobile asset na higit sa €15,000.
Basahin din: Handa na ba ang ISEE para sa pag-aaplay ng bonus? Narito ang mga pangunahing bonus 2024 na batay sa ISEE
Carta Acquisti Prepaid Card 2024, paano magagamit?
Ang Carta Acquisti Prepaid Card ay matatanggap nang libre at ito ay gumagana tulad ng isang normal na electronic card sa pagbabayad. Kapag nagkaroon nito, ito ay regular na lalagyan ng gobyerno ng €80 nang walang karagdagang requirement.
Paano ang aplikasyon ng Carta Acquisti 2024
Maaaring mag-apply Carta Acquisti Prepaid Card sa mga Post Office sa pamamagitan ng pagsa-submit ng application form kasama ang mga requirements.
Ang application form (mayroon para sa mga menor 3 taong gulang pababa at mayroon din para sa mga senior citizen). Ito ay maaaring i-download mula sa official website ng Ministry of Economy and Finance. Maari ring makita ang application form sa mga Post Office.