Usap- usapan ngayon ang tungkol sa Btp Valore: ang government bond na inilaan para sa mga small and private savers na patok na patok sa Italya. Ito ay matapos maipaalam sa mga tao sa mga TV commercial, pumukaw at nagbigay ng tiyak na kuryusidad ito sa mga tao. Bakit ito napakapopular sa mga tao?
Sinamantala ng mga investors ang subscription at naitala sa ikalawang araw pa lamang ng placement period. Samantala, pagkatapos ng isang oras mula sa pagsisimula ng trading , umabot na sa 1 bilyong euro sa mga subscription, sa halos 40 libong kontrata na nilagdaan. At sa kabuuan ay mayroong 211 libo.
Basahin din: Magkano ang matatanggap na halaga ng Assegno Unico 2024? Narito ang simulator ng INPS
BTP Valore: Pumatok sa Italya, bakit ito profitable?
Kahapon lamang nagsara sa 6.4 bilyon. Naitala ang mataas na rekord ng BTP kumpara sa ibang mga government bond sa Italya. Magtatapos ang placement sa ika-1 ng Marso. Sa kabila nito, ang Ministero dell’Economia e delle Finanze ay maaaring magpasya na isara ang operasyon nang mas maaga, Miyerkules, sa halip na sa 1pm ng Biyernes. Bakit naging matagumpay at pumatok ang ikatlong edisyon ng Btp Valore? Ayon kay Salvatore Gaziano, Head of Investment and Strategies ng SoldiExpert Scf at kabilang sa mga pioneer ng Italian Financial Consultancy, ay nagpahayag ng opinion: “Ang bagong BTP ay nag-aalok ng isang return na mas mataas kaysa sa inflation rate, at napakataas ng liquidity para sa mga small and retail savers“, .Dagdag pa, “Ang BTP Valore ay accessible para sa mga small savers, maaaring magpunta sa kahit saang authorized financial bank/intermediaries kung nais magsubscribe nito. Isang magandang investment option sa mga gustong umiwas sa kumplikado at magastos na mga produktong pinansyal. Samakatuwid, ang produktong ito ay simple at madaling unawain, na may pinababang pagbubuwis at walang kumplikadong terms and condition“ na wala sa ibang financial products.
Narito ang return, net ng mga buwis, na hinati ayon sa taon, para sa pamumuhunan na 1,000 euro sa BTP Value:
Unang taon: 28.43 euro
Ikalawang taon: 28.43 euro
Ika-3 taon: 28.43 euro
Ika-4 na taon: 35 euro
Ika-5 taon: 35 euro
Ika-6 na taon: 41.12 euros (35 euros + loyalty bonus na 6.12 euros)
Kabuuang netong kita: 196.40 euros, o 19.6% ng na-invest na kapital.
32.5/100) x 12.5 = 28.43 euros annual net return for the first three years
(40/100) x 12.5 = 35 euros annual net return for the last three years
Basahin din: Narito kung magkano ang kailangang kita sa Italya upang magkaroon ng maayos na pamumuhay