Mga pagbabago sa Bonus Trasporto 2024. Ang bonus trasporto ay isa sa pinakatanyag na bonus sa Italya dahil ito ay tumutukoy sa benepisyo ng pampublikong trasportasyon sa bansa. Dahil sa patuloy na paghagupit ng mataas na presyo ng krudo, noong Agosto 2023, humigit kumulang 1.9M ang bilang ng mga commuters sa Italya na nag-apply ng bonus trasporto, ayon sa press release ng Ministry of Labor. Ang pagtanggap ng bonus hanggang €60,00 kada buwan ng bawat indibidwal na mayroong taunang kita na hindi lalampas sa €20,000, na ibangan ng marami, ngayong taon ay magkakaroon ng pagbabago. Narito kung paano awtomatikong matatanggap ang bonus trasporto 2024.
Basahin din: RC Auto 2024: Ano ang mga pagbabago ukol sa insurance at non-economic damage (at parking)
Bonus Trasporto 2024
Sa mga susunod na buwan ay sisimulang ipatupad ang bagong bonus trasporto 2024 para sa mga subscription ng Tpl o (Trasporto Pubblico Locale). Tuluyan ng papalitan ang dating bonus trasporto na magtatapos sa March 25, 2024. At sa pamamagitan ng decreto 131 ng 2023 o decreto Energia, ninais ng gobyerno ng Italya ang bigyang halaga ang bonus na nabanggit at mapaloob ito sa isa pang bonus, ang Carta Dedicata a te! Inaasahan ang posibilidad na ibigay ang average amount na €460,00 para sa buong pamilya. At walang aplikasyon ang kinakailangang gawin!
Magpatuloy sa ibaba ng larawan at tuklasin ang mga pagbabago ng bonus trasporto 2024.
Ano ang mga pagbabago kumpara sa nakaraang bonus trasporto?
Kumpara sa nakaraang bonus trasporto, ang bonus trasporto 2024 ay hindi na kakailanganin pa ang mag-file ng application, dahil ang benepisyo ay awtomatikong maike-kredit sa mga pamilyang mas nangangailangan. Sa katunayan, sa pamamagitan ng Carta Dedicata, mula ngayong taon ay maaari na ring matanggap, bukod sa bonus carburante at higit pa rito, pati ang pagtanggap ng bonus trasporto 2024.
Carta Dedicata a te, ang mga requirements!
Noong 2023, may 1.3M beneficiaries ang Carta Dedicata, at nakatanggap ng € 459.70 ang bawat beneficiary. Nagyong taon 600M ang budget allocation ng Carta Dedicata.
Ang mga requirements ng Carta Dedicata a te
Ang Carta Dedicata ay awtomatikong ibinibgay sa mga pamilyang may ISEE na hindi lalampas €15,000 at walang ibang suportang natatanggap mula sa gobyerno. Gayunpaman, nananatiling prayoridad ang mga pamilya na mayroong mga dependent minors o ‘a carico’.