Skip to content
Home » Bonus para sa mga Senior Citizen: Narito kung paano magkakaroon ng discount sa bus, tren, barko at eroplano

Bonus para sa mga Senior Citizen: Narito kung paano magkakaroon ng discount sa bus, tren, barko at eroplano

20/02/2024 22:44 - INI-UPDATE 20/02/2024 22:46
Bonus para sa mga Senior Citizen

Bonus para sa mga Senior Citizen. Ang mga over60s ay maaaring gumamit ng pampublikong trasportasyon nang libre o di kaya ay may malalaking discount sa tren, bus, at minsan kahit sa eroplano, sa pamamagitan ng bonus para sa mga senior citizen. Narito kung ano ito at paano makukuha ang benepisyo.
Basahin din: Ilang taon kailangang magtrabaho para matanggap ang pensiyon sa Italya?

Bonus para sa mga Senior Citizen

Ang bonus para sa mga senior citizen sa Italya ay isang serye ng mga pribilihiyo na nakalaan sa mga taong gumagamit ng pampublikong transportasyon o mahilig mag-travel. Bagaman walang tinatawag nabonus viaggi over 60”, mayroong mga nakalaang benepisyo ang iba’t ibang mga service provider. Samakatwid, ang mga ito ay hindi galing sa gobyerno ng Italya at lalong hindi ito naglalaman ng anumang halaga, kundi discount sa mga ticket.

Paano magkakaroon ng discount ang mga senior citizens?

Una sa lahat, mahalagang tandaan na ang mga patakaran ay nag-iiba, depende sa mga service provider, kaya’t ipinapaalala na hindi sapat na mayroong kaalaman sa isang kumpanya lamang. Ating alamin ang general informations para sa pagbibiyahe ng mga over60s sa bus, treno, barko at eroplano
Basahin din: eTravel Card, ikalawang Pasaporte sa pagpunta sa Pilipinas  

Public transportation: discount sa mga bus, subway at tram

Ang halaga ng discount sa mga bumibiyahe sa pamamagitan ng bus, tren at tram ay nag-iiba at nakadepende sa mga service provider ng lokal na pampublikong transportasyon. Gayunpaman, ang karamihan ay nagbibigay ng diskwento batay sa itinakdang edad. Upang maunawaan kung magkano ang discount at mga requirements ay mahalagang bisitahin ang mga official website ng mga kumpanya ng pampublikong transportasyon sa Comune kung saan nakatira. Halimbawa sa Roma, ang Atac, ang service provider ng public transportation, ay nagbibigay nang libreng public transportation ang mga over70s sa pagkakaroon ng ISEE na hindi lalampas ng €15,000. Gayunpaman, tandaan na kahit ang edad ay nag-iiba din, mula 60 hanggang 70 anyos, batay sa patakaran ng kumpanya.

Pagbibiyahe sa tren para ng mga senior citizen

Para sa mga senior citizens, ang pagbibiyahe sa tren ay maaaring maging isang mahalagang choicedahil sa malalaking discount na ibinibigay ng mga pangunahing kumpanya ng tren sa Italya. Parehong ang Italo at Trenitalia ay nagbibigay ng mga malalaking discounts para sa mga over 60s tulad ng:

  • Trenitalia- nagbibigay ng Senior Offer para sa mga miyembro ng Cartafreccia nang libre at X-Go over 60 na may discount hanggang 50% ng presyo ng tiket;
  • Italo – nagbibigay ng mga diskwento hanggang 60% sa Flex fare sa Smart at Prima class;
  • Trenord – nagbibigay ng 20% na discount sa mga babae na over60 at mga lalaki na over65 para sa Tariffa Unica Regionale Lombardia. Sa mga over65, parehong lalaki at babae ay maaaring magkaroon ng 25% na diskwento sa monthly at yearly subscription. 

Paano maaaring mag-apply ng mga discount sa tren? Sa panahon ng pagbili ng tiket, mahalagang tukuyin ang edad, maging sa online o sa isang ticket counter. Gayunpaman, maaaring hingin ng staff sa loob ng tren ang isang balidong ID upang tiyaking tama ang edad na ibinigay at may karapatan sa diskwento.

Taxi para sa mga senior citizen

Sa iba’t ibang lugar, may mga nakatakdang discount para sa mga bumibiyahe sa taxi upang tulungan ang mga matatanda na nangangailangan ng tulong. Halimbawa nito ang “social taxi” na ipinatutupad sa Fidenza upang tulungan ang mga over 65 na residente. Sa ganitong paraan, mas pinapalakas ang mobilidad ng mga senior citizens, marahil walang pamilya o nahihirapan na sa paglakakad o walang lisensya na hindi maaaring gumamit ng pampublikong transportasyon.
Isa pang halimbawa ay ang bonus taxi sa Emilia Romagna, ito ay ang “S.O.S libreng taxi” para sa mga taong nangangailangan ng tulong at hindi maaaring gumamit ng pampublikong transportasyon at walang kamag-anak na maaaring magbigay ng tulong. Ang libreng taxi ay maaaring gamitin upang pumunta sa mga health facilities para sa mga medical check-ups.
Basahin din: Mga pagbabago sa Bonus Trasporto 2024. Narito kung paano awtomatikong matatanggap!

May discount ba ang mga senior citizen sa barko at eroplano? 

Para sa mga nagbibiyahe sa barko, ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang discount dipende sa kumpanya na bibilhan ng tiket. Bilang isang halimbawa, ang Grimaldi Lines ay nagbibigay ng 20% discount para sa mga over60 sa mga biyahe patungo sa Sardinia, Greece, Sicilya, at Spain.
Para naman sa mga nagbibiyahe sa eroplano, dapat malaman na walang tiyak na discount. Ito ay dipende sa airline company at sa destinasyon. Matatandaang ang Alitalia ay nagbibigay noon ng 30% discount sa mga over60s sa domestic flights. Ang programa, gayunpaman, ay tila hindi na itinuloy ng kasalukuyang ITA airways subalit nangangakong magbibigay ng libreng tulong sa kanila kapag kinakailangan. Dahil hindi malinaw ang mga patakaran ng iba’t ibang kumpanya ng eroplano sa mga diskwento para sa mga senior citizens ipinapayo na bisitahin ang official website o magtanong sa napiling kumpanya.

Source: Atac; Trenitalia; Italo;Money.it;