Ngayong taon maraming pamilya ang nag-aasam ng tulong pinansyal upang mapagaan ang bigat na pasanin sa gastusin sa kuryente at gas. Narito ang mga impormasyon kung paano at sino ang may karapatan sa Bonus Luce at Gas.
Ang inaprubahang Budget law 2024 noong nakaraang December 29, 2023, ay naglalaman ng iba’t ibang mga bonus, pribilehiyo, at tax credit para sa mga pamilya, workers at business, kabilang dito ang inaasam na Bonus Bollette 2024. At ang pagpapalawig ng nabanggit na bonus para sa unang tatlong buwan ng 2024. Alamin kung paano at sino ang mga matatanggap nito.
Basahin din: Dalawang bonus para sa mga kabataan sa Italya. Narito kung paano matatanggap ang Carta Cultura Giovani at Carta del Merito
Bonus Bollette 2024, ang pagbabago
Kabilang sa mga pinakamahalagang pagbabago ay ang pagbabalik ng limitasyon sa ISEE para sa Bonus Bollette 2024. Sa katunayan, simula January ng taong ito, maaaring mag-aplay ulit sa regular na bonus bollette ang mga pamilyang may ISEE hanggang € 9,530.00 (o €20,000.00 kung may apat na dependent children). Samakatwid, tapos na ang panahon ng “pinalawig” na bonus bollette (o ang diskwento sa bill na inilaan para sa mga pamilyang nasa kahirapan o may mga suliraning pinansyal o pisikal, upang malampasan ang pagtaas ng mga bayarina). Matatandaang noong 2023 ay pinalawig din ang benepisyong ito sa mga pamilyang may ISEE hanggang €15,000.00 (o €30,000.00 kung may apat na dependent children). Ang mga pagbabagong nabanggit sa regulasyon para sa pagtanggap ng benepisyong ito ay ipinaalam mismong Authority for Energy Networks and Environment Regul ation (ARERA) sa pamamagitan ng press release noong December 28.
Bonus Bollette 2024: Ano ang nasasaad sa Dl 34/2023
Itinalaga ng decreto legge bilang 34/2023 ang mga “Urgent measures bilang tulong sa mga pamilya at mga kumpanya sa pagbabayad ng kuryente at gas, pati na rin sa usapin ng kalusugan at tungkulin sa buwis,” at nasasaad sa Article 3 ang pagkilala ng bonus straordinario sa mga domestic client na may karapatan sa bonus sociale luce. Mahalagang bigyang-diin na ang nabanggit na benepisyo na nakalaan lamang sa mga may karapatan sa bonus sociale luce ng Decreto Bollette ng 2023, bilang isang one-time measure para sa mga bill ng kuryente ng October, November, at Decembre 2023, ay pinalawig ng Budget law 2024 hanggang March 2024.
Paano Mag-apply ng Bonus Luce at Gas 2024
Ang mga may karapatan sa bonus sa kuryente at gas para sa taong 2024 ay makakatanggap ng diskuwento direkta na sa kanilang billing statement at hindi na kakailanganin pa ang mag-submit ng aplikasyon. Hindi na kinakailangan ang i-apply ito, kahit online. Ito ay “awtomatiko” na. Ang automatic allocation ay nagaganap sa pamamagitan ng palitan ng impormasyon sa pagitan ng National Institute of Social Security (Inps) at ARERA.
Gayunpaman, para sa mga nais na tiyakin ang kung kasama sa mga makakatanggap sa Bonus Luce at Gas 2024 ay maaaring mag-access sa angkop na seksyon ng Portale Unico ISEE ng INPS. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang eligibility, maaaring masiguro na makakatanggap ng inaasahang tulong pinansyal.
Halaga ng bonus bollette 2024
Ang inaasahang diskwento para sa 2024 ng bonus bollette ordinario ay nag-iiba:
- €142,74 (para sa may 1-2 miyembro ng pamilya)
- €201,30 (para sa higit sa 4 na miyembro ng pamilya)
Sa Bonus bollette 2024 ay idadagdag, tulad ng itinalaga ng batas, ang contributo straordinario, na esklusibong matatanggap sa unang tatlong buwan ng taon:
- € 76,44 (para sa mga pamilya na may 1-2 miyembro)
- €113,75 (para sa mga malalaking pamilya o higit sa 4 na miyembro)