Isa sa pinagkakagastusan ng mga pamilya ay ang pinakamamahal na pets at sa panahon ng krisis, tunay na mabigat sa bulsa ang kanilang malaking gastusin tulad ng bayad sa veterinarian, gamot at iba’t ibang analysis. Isang magandang balita para sa inyo! Sa wakas, ang Bonus Animali Domestici ay matatanggap ngayong 2024 para sa mga pets o alagang hayop. Ang pinakahihintay na Bonus Animali Domestici 2024 ay kasamang inaprubahan sa Budget law 2024.
Bonus Animali Domestici 2024, ano ito?
Naglaan ng pondo ang Ministry of Health para sa bonus Animali Domestici. Ito ay bilang tulong sa mga ‘padroni’ sa pagbabayad ng mga check-up, operasyon at mga gamot ng mga alagang hayop. Sa katunayan, naglaan ang gobyerno ng Italya ng €750,000 para sa tatlong taon: 250K para sa 2024, 250K para sa 2025 at 250K para sa 2026.
Sa kasalukuyan, ang tulong na natatanggap ng mga ‘padroni’ ay sa pamamagitan ng ‘detrazione’ sa dichiarazione dei reddit. Sila ay nakakatanggap ng tax discount katumbas ng 19% para sa mga vet expenses hanggang sa maximum na €550, at para dito ay walang limitasyon sa ISEE. Sa detrazione ay kasama ang mga gamot, analysis at operasyon ng mga alagang hayop sa pagkakaroon ng Invoice ng mga ito.
Basahin din: Nangangamba sa bill ng kuryente at gas? Ang mga dapat malaman ukol sa Bonus Luce at Gas 2024
Bonus Animali Domestici, ang mga requirements
Upang matanggap ang bonus, ang pangunahing requirement ay ang pagakaroon ng ISEE na hindi hihigit sa €16.215,00 at higit sa 65 anyos ang edad ng mga padroni.
Para matanggap ang bonus, requirement din ang pagkakaroon ng mga itinalagang ‘animali d’affezione’ o ‘companion animals’.Tinutukoy dito ang mga pets na kinukupkop at inaalagaan na walang productive o food purposes, kabilang ang mga alagang hayop para sa mga taong may kapansanan, pet therapy, at mga mula sa rehabilitation at ang mga advertising pets.
Nasasaad sa DPCM ng Feb 28, 2003 ang mga kinikilalang ‘companion animals’. Kabilang dito ang mga dogs, cats, rodents, rabbits, ferrets at birds. Sa ngayon, ay hindi kasama ang mga amphibians, invertebrates at aquatic animals. Gayunpaman, kailangang hintayin ang mga detalye na ilalathala sa lalong madaling panahon.
Bonus Animali Domestici, paano mag-aplay?
Ang paraan ng pag-aaplay at kung kailan dapat mag-aplay ay ilalathala sa loob ng 90 araw mula sa petsa ng pagkakaroon ng bisa ng Budget law sa pamamagitan ng isang Ministerial decree. Inaasahang bago mag-Pasqua ay isasapubliko ang mga detalye ukol sa halaga ng bonus at paraan ng pag-aaplay nito.
Source: Gazzette Ufficiale