Gumagamit ng indicator ang gobyerno ng Italya upang sukatin ang antas ng poverty or wealth ng isang pamilya. At mula sa antas na ito nakasalalay kung may karapatan at may access sa mga social benefits mula sa gobyerno. Ito ay ang ISEE o Equivalent Economic Situation Indicator. Sa ilang mga kaso, ang pagtanggap ng benepisyo o mas kilala sa tawag na bonus ay nakalaan lamang sa mga may ISEE na mas mababa sa itinakdang parameters. Sa ibang kaso naman, ang halaga ng bonus 2024 ay batay sa halaga ng ISEE. Mas mataas ang halaga nito ay mas mababa ang halaga ng bonus na matatanggap. Narito ang mga pangunahing bonus 2024 na batay sa ISEE.
Paano magkakaroon ng ISEE?
Sa kasalukuyan, halos lahat ng mga pamilya ay gumagawa ng ISEE, kung saan nasasaad ang kalagayang pinansyal ng bawat pamilya. Upang magkaroon ng ISEE, ay kailangang gawin ang DSU (Dichiarazione Sostitutiva Unica). Ang huling nabanggit ay para sa bawat miyembro ng pamilya, kailangang ideklara ang kita at ari-arian (mobil at real estate) sa nakaraang dalawang taon.
Halimbawa, upang magkaroon ng ISEE ngayong taon, kailangang tukuyin sa DSU ang bumubuo ng pamilya ngayon at sa bawat miyembro ay kailanganing tukuyin ang sahod at mga ari-arian hanggang December 2022. Ang DSU ay kailangan gain sa CAF. Ngunit ang INPS ay mayroon ding precompiled form na maaaring ma-access ng user. Gayunpaman, ay kailangang isaalang-alang na ang ISEE ay balido hanggang December 31 lamang taun-taon.
Anu-ano ang mga pangunahing bonus 2024 na batay sa ISEE?
Marami pa ring mga bonus at iba’t ibang mga social benefits ang nakadepende sa ISEE. Narito ang ilan sa pinakamahalaga:
- Assegno Unico Figli a Carico. Ang halaga ng assegno unico ay nakadepende sa halaga ng ISEE. Kung hindi gagawin ang ISEE, matatanggap ang minimum na halaga, na € 57 kada buwan bawat anak hanggang sa edad na 21;
- Bonus Sociale. Ito ay ang diskwento sa mga house bill tulad ng kuryente at gas na ngayong taon ay ibibigay sa mga may ISEE na hindi lalampas sa €15,000 o € 30,000 para sa mga malalaking pamilya; Basahin din: Nangangamba sa bill ng kuryente at gas? Ang mga dapat malaman ukol sa Bonus Luce at Gas 2024
- Bonus Psicologo. Ito ay ang tulong pinansyal para sa mga gastusin sa therapy. Ang halaga ng tulong ay nakadepende sa halaga ng ISEE at hindi ito matatanggap ng mga pamilya na ang ISEE ay higit sa € 50,000.
- Carta Cultura Giovani. Ito ay ang dating bonus Cultura na sa taong 2024 ay ibibigay sa mga magdiriwang ng kanilang ika-18 kapanganakan at may ISEE na hindi lalampas sa €35,000;
Basahin din: Dalawang bonus para sa mga kabataan sa Italya. Narito kung paano matatanggap ang Carta Cultura Giovani at Carta del Merito - Assegno Inclusione. Ito ang pumalit sa dating Reddito di Cittadinanza simula Enero ngayong taon. Ang bagong benepisyo ay ibinibigay sa kondisyon na ang ISEE ay hindi hihigit sa €9,360 euro;
- Bonus Animali Domestici 2024. Ito ay nakalaan lamang para sa mga ‘padrone’ na may edad na higit sa 65 anyos na may ISEE na hindi hihigit sa €16,215.
Basahin din: Bonus, matatanggap din para sa ating mga mahal na ‘pets’. Narito ang Bonus Animali Domestici 2024 - Bonus Asilo Nido, na nagbabago batay sa ISEE.
Maaaring idagdag sa mga ito ang iba pang mga bonus at benepisyong inilaan ng mga Comune o iba pang local government, pati na rin ang mga discount sa mga bayarin sa paaralan at unibersidad. Sa katunayan, ang halaga ng mga bayaring ito ay maaaring mag-iba batay sa ISEE bracket.
Basahin din: Scholarship sa unibersidad sa Italya. Narito ang limitasyon sa ISEE 2024
Source: INPS