Benepisyo ng Paglalakad sa Kalusugan. Maraming benepisyo ang paglalakad sa kalusugan. Ito ay isang mahusay na paraan upang manatiling fit ang ating katawan. Ito ay isang uri ng physical activity na may mababang-impact dahil hindi gaanong nakakapagod kumpara sa ibang mga sports tulad ng pagtakbo o pagbibisikleta. Ito ay isa ring alternatibo rin sa fitness sa gym. Ngunit gaano nga ba ang dapat ilakad para maging malusog base sa edad?
Basahin din: Ano ang Vitamin D at ano ang halaga nito sa katawan ng tao?
Mga Benepisyo ng Paglalakad sa Kalusugan
Bilang isang physical activity at hindi lamang simpleng paglalakad, ang ‘walking’ ay isang uri ng cardio activity na nagbibigay porma sa mga muscles at nagpapalakas ng mga buto, ay ilan lamang sa maraming benepisyo ng paglalakad sa kalusugan.
Ang paglalakad ay nakakabawas ng kolesterol, nagpapababa ng presyon ng dugo, nakakabawas sa panganib ng diyabetis at sakit sa puso, at higit sa lahat, nakakatulong sa pagkontrol ng timbang.
Ngunit tandaan na magkaiba ang sitwasyon sa kalusugan ng isang 20 anyos at isang 60 anyos. Magkaiba din ang sitwasyon kung isang kabataang lalaki at babae kumpara sa isang may edad na babae at lalaki. (Magpatuloy sa pagbabasa sa ibaba ng larawan.)
Gaano nga ba ang dapat ilakad para maging malusog base sa edad?
Ang rekomendasyon ng World Health Organization ay maglakad ng 10,000 steps araw-araw o halos 7 km. Ito ay doble kaysa sa karaniwang lakad ng isang normal na tao sa araw-araw na mga gawain.
Ngunit ang sagot sa katanungan ay mula sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Physical Activity & Health na nagtakda ng eksaktong bilang ng hakbang na angkop sa bawat edad at kasarian o gender. Narito kung gaano ang dapat ilakad para maging malusog, base sa edad.
Bilang ng hakbang ng mga Kababaihan base sa edad
- Mula 18 hanggang 40 taong gulang – 12,000 steps araw-araw
- Mula 40 hanggang 50 taong gulang – 11,000 steps araw-araw
- Mula 50 hanggang 60 taong gulang – 10,000 steps araw-araw
- Higit sa 60 taon – 8,000 steps araw- araw
Bilang ng hakbang ng mga Kalalakihan base sa edad
- Mula 18 hanggang 50 taong gulang – 12,000 steps araw-araw
- Higit sa 50 taong gulang – 11,000 steps araw-araw
Ngunit ang paglalakad para sa kalusugan ay hindi katumbas ng paglalakad habang namamasyal. Ang paglalakad na ating tinutukoy ay ang sports walk, na kailangang gawin gamit ang tamang sapatos, praktikal at kumportableng sports attire, at higit sa lahat, base sa edad, ito ay may mabilis na ritmo para makapagod, ngunit hindi naman sobra na magbibigay ng hingal.
Upang malaman kung gaano ang nalakad at ilan ang mga nagawang hakbang, ipinapayong gumamit ng tracker o App.
Basahin din: Intermittent Fasting (IF), ang Sagot sa Epektibong Pagpapayat!