Skip to content
Home » Dalawang bonus para sa mga kabataan sa Italya. Narito kung paano matatanggap ang Carta Cultura Giovani at Carta del Merito

Dalawang bonus para sa mga kabataan sa Italya. Narito kung paano matatanggap ang Carta Cultura Giovani at Carta del Merito

31/01/2024 19:34 - INI-UPDATE 31/01/2024 19:34
Carta cultura giovani at Carta del Merito 2024

Isang mahalagang balita para sa mga kabataan – Italyano at mga dayuhan na regular na naninirahan sa Italya – ngayong 2024. Tuluyan ng pinalitan ang ‘bonus cultura’ ng gobyerno ni Renzi at simula January 31, 2024, ay dalawa ang bagong bonus para sa mga kabataang may edad 18 anyos: ang Carta Cultura Giovani at Carta del Merito na ang layunin ay higit na hikayatin at pagyamanin ang kaalamang kultural ng mga kabataan. Goodbye Bonus Cultura! Hello Carta Cultura Giovani at Carta del Merito. Narito kung para kanino at paano matatanggap ang bagong bonus! 

Basahin din: Philippine passport holders, may 69 visa-free destinations ngayong 2024

Carta Cultura Giovani at Carta del Merito 

Ang Carta Cultura Giovani ay nakalaan sa mga kabataan na residente sa bansa at ang pamilya ay may ISEE na mas mababa sa €35,000. Ang Carta del Merito naman ay nakalaan para sa mga kabataang residente sa bansa na makakakuha ng pinakamataas na marka sa maturità o state exam: 100/100. Bawat bonus ay nagkakahalaga ng €500,00. Dalawang magkaibang bonus ngunit posibleng matanggap pareho kung kwalipikado sa parehong nabanggit. 

Carta cultura giovani at Carta del Merito 2024

Pagbabago simula January 31, 2024

Ang legge di bilancio 2023 ay naglaan ng €190M bilang pondo ng dalawang bagong bonus na ipinalit sa bonus cultura. Ang mga unang beneficiaries ng Merit Card at ng Youth Culture Card ay ang mga kabataang ipinanganak ng taong 2005, na sa taong 2023 ang nag-18 anyos.

Nangangahulugan na ang kabataang residente sa bansa, ipinanganak ng taong 2005 at ang pamilya ay may ISEE na mas mababa sa € 35,000, siya ay makakatanggap ng €500 voucher ng Carta Cultura Giovani. Samantala, kung ang isang mag-aaral, bukod sa pagiging residente sa Italya at ipinanganak ng taong 2005, ay naging pinakamagaling at nakakuha ng pinakamataas na marka sa maturità, at ang pamilya ay may ISEE na mas mababa sa € 35,000, ang kabataang ito ay makakatanggap ng € 1,000, ang sumatotal ng dalawang bonus na kada € 500 bawat isa. 

Ang bawat card ay indibidwal, nominatibo at nagkakahalaga ng € 500 sa pamamagitan ng voucher. Ito ay maaaring gamitin hanggang Decembre 31, 2024. 

Ang access sa official website nito, www.cartegiovani.cultura.gov.it ay simula January 31, 2024, hanggang June 30, 2024, 

Saan maaaring gamitin ang Carta Cultura Giovani at Carta del Merito

Ayon sa mga probisyon ng Ministerial Decree December 29, 2023 number 225 inilathala sa Official Gazette ng January 16, 2024, ang mga nabanggit na Cards ay maaaring gamitin sa pagbili ng mga tiket para sa theatre, cinema, live show, mga libro, subscriotion ng mga newspaper at magazine kahit online. Bukod dito, ang parehong cards ay magagamit din sa pagbili ng museum tickets, archeologicl sites at natural parks. Ang voucher ay magagamit din para sa pagpasok sa mga music, theater, dance at foreign languages courses. Hindi naman magagamit ang voucher sa pagbili ng videogames, subscription sa mga television platforms at hindi rin maiko-convert sa buoni di spesa.  

Source: Carta Cultura Giovani