Skip to content
Home ยป Bagong feature ng WhatsApp: upang mas madaling i-block ang di kanais-nais na mensahe

Bagong feature ng WhatsApp: upang mas madaling i-block ang di kanais-nais na mensahe

01/03/2024 15:30 - INI-UPDATE 01/03/2024 15:39
i-block ang di kanais-nais na mensahe sa Whatsapp

Hindi kanais-nais na mensahe na natanggap sa hindi kilalang sender, ano ang iyong gagawin?
Ang WhatsApp, isang instant messaging platform, ay naglunsad na nman ng isang interesanteng bagong feature na matagal nang hinihintay ng mga user. Ang kakayahang i-block ang mga hindi kanais nais na mensahe sa mas mabilis at mas kombinyenteng paraan. Ang app na pagmamay-ari ng Meta ay nag-anunsyo ng bagong inobasyon sa opisyal na account nito sa platform, na naglalarawan sa bagong feature nito: mula ngayon, posibleng i-block ang mga mensahe mula sa hindi kilalang mga contact kahit hindi buksan at basahin ang mensahe.
Basahin din: Unknown international number na tawag sa WhatsApp? Dapat bang sagutin?

Mas madaling i-block ang di kanais-nais na mensahe sa WhatsApp. Narito kung paano.

Kapag may lumabas na hindi gustong mensahe sa iyong lock screen, ang kailangan mo lang gawin ay i-long pressย  ang notification. Ilang mga options ang a-appear. Isa sa mga ito ay upang i-block ang kaagad ang sender. Napakasimple at kapaki-pakinabang!
Kung gusto mong i-report ang contact, ipapakita ang second prompt. I-tap lang ang checkbox na “Report contact” at pagkatapos ay piliin ang “Block” sa lalabas na pop-up window. Iwas abala sapagkat hindi na kailangang buksanย  ang app at pumunta sa conversation para lang i-block ang mga nakakainis na spam messages.
Layunin na pabilisin ang proseso ng pag-block sa isang tao, at alisin ang hassle na magnavigate pa sa mga submenus o magbukas ng chat. Sa nakaraan, may dalawang options na maaaring gawin:
nangangailangan pang magnavigate sa mga submenu o i-open ang chat at mag-search sa drop-down menu para sa option na โ€œblockโ€. Isang paraan din ang paglong-press sa isang mensahe sa chat-list at pagkatapos ay i-access ang overflow menu upang mahanap ang opsyong โ€œblockโ€.

Bagong feature ng Whatsapp, isang commitment sa serbisyo!

Ang update na ito ay repleksyon sa commitment ng serbisyo sa pagbibigay sa mga user ng mga epektibong tool upang labanan ang spam at i-improve angย  pangkalahatang karanasan sa platform. Ang kakayahang i-block ang mga mensahe mismo sa lock screen ay isang makabuluhang hakbang at pagpapatunay nito. Laloโ€™t higit, pinabibilis nito ang pagsasala mga hindi kanais-nais naย  mensahe.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng feature na ito sa mga user na mabilis at madaling mag-block at mag-report ng mga hindi kanais-nais naย  mensahe. Dagdag pa rito, ipinapakita ng WhatsApp ang pangako nito sa privacy at seguridad ng mga user nito sapagkat binibigyan tayo nito ng higit na kontrol sa pagpapalitan ng mensahe. Binibigyang diin din ang kahalagahan ng pagbibigay ng feedback ng mga user, sa patuloy na pagpapabuti ng platform.
Basahin din: Goodbye Whatsapp! Ang 39 model ng smartphones na hindi na makakagamit ng Whatsapp