Sa era ng high technology and modern world, may bagong konsepto ang patuloy na humahatak sa pag-iisip ng tao. Ito ay ang Artificial Intelligence, na tinatawag ding AI. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng AI? Bakit ito nagiging isang mahalagang bahagi ng ating kasalukuyang lipunan? At bakit ito nagdudulot din ito ng pangamba sa marami? Narito ang sitwasyon sa Italya.
Basahin din: IT Wallet, magbabago sa paraan ng access sa public services sa Italya. Ang mga detalye
Ano ang Artificial Intelligence?
Ang Artificial Intelligence, tulad ng literal na kahulugan nito, ay tumutukoy sa kakayahan ng makina o computer na mag-isip at kumilos nang parang tao. Sa pamamagitan ng mga algorithm at mga data, ang AI ay nakakagawa ng mga desisyon, aksyon at pag-aasal na nagmumula sa isang di-tao ang pinagmulan. Ang konsepto ng teknolohiyang ito ang nagiging sentro ng mga seryosong usapin partikular sa mundo ng politika.
Basahin din:
Benepisyo ng Artificial Intelligence
Sa kasalukuyan, ang AI ay nakakapagdulot ng maraming benepisyo sa iba’t ibang aspeto ng lipunan. Sa medisina, halimbawa, ang AI ay nagbibigay-daan sa mas mabilis at mas tumpak na pagkilala sa mga sakit at kondisyon, pati na rin sa pagbuo ng mas epektibong mga paraan ng paggamot. Sa industriya, ang AI ay nagpapalawak ng mga oportunidad sa automation, nagpapabuti sa produksyon, at nagbubukas ng mga bagong larangan ng trabaho para sa mga tao.
Samakatwid, ang AI ay maaaring maging isang kapaki-pakinabang na instrumento sa pag-unlad ng lipunan at ekonomiya. Subalit, kailangang tiyakin na ang mga algorithm na ginagamit ay walang pinapaboran at ang bawat aspeto ng AI ay sumusunod sa mga patakaran ng etika at legalidad.
Bakit kinatatakutan ang AI? Ano ang misteryo na hatid nito?
Sa kabila ng mga potensyal na benepisyo ng AI, nangangamba pa rin ang marami sa misteryong hatid nito. Partikular, isa sa mga pangunahing dahilan ng takot ay ang posibleng epekto nito sa trabaho at ekonomiya sa nalalapit na panahon. Samantalang sa kasalukuyan ang mga ito ay maituturing ba benepisyo! Ang pagtaas ng automation hatid ng AI ay maaaring maging sanhi ito ng pagkawala ng trabaho, at samakatwid, ng pagkawala ng kabuhayan at maging dahilan ng matinding kahirapan.
Bukod pa rito, pinangangamban din ang seguridad at privacy kapag ginamit ang AI. Ang mga sensitibo at pribadong impormasyon ay posibleng mapabayaan sa malawakang pagpapalaganap ng mga impormasyon. Kaya kailangang tiyaking mahigpit na ipapatupad ang mga regulasyon upang maprotektahan ang mga indibidwal mula sa anumang uri ng pang-aabuso o pagsasamantala.
Artificial Intelligence, ang sitwasyon sa Italya
Noong 2023, ang merkado ng artificial intelligence sa Italya ay tumaas ng 52% na umabot sa kabuuang halaga na โฌ760M (kumpara noong 2022 na 32%).
Kaugnay nito, ukol sa mga malalaking kumpanya sa bansa, tatlo sa bawat limang kumpanya ang nagsimulang magkaroon ng AI, dalawa sa bawat tatlo ang nagdesisyong gagamit na nito internally. Sa mga ito, isa sa bawat apat ang nag-umpisa na sa experimental stage. Samantala, 98% ng mga Italians ang nagsabing narinig na ang tungkol sa AI at 29% ang nagsasabing may kaalaman sila ukol dito – medium to high level knowledge. 77% naman ng mga Italians ang nagpahayag ng pagkatakot sa AI, ngunit 17% lamang ang nagsabing hindi sang-ayon sa pagpasok nito sa professional field.
Ayon pa sa pag-aaral, sa kasalukuyan sa Italya, mayroong potensyal na 50% ang “equivalent job automationโ o ito ang katumbas ng oras ng trabaho na ipagkakatiwala sa machine. Sa 2034, maaaring gampanan ng AI ang trabaho ng 3.8 milyong katao sa Italya.
Basahin din: Mula Certificato Anagrafico hanggang Cambio di Residenza sa isang click. Narito ang Anagrafe online!