Binatikos ng Apple ang paraang nakagawian ng mga user. Sa loob ng mahabang panahon, may umiikot na ‘tip’ sa internet na dapat gawin kapag nabasa ang iPhone. Dapat umano itong ibaon sa bigas ng magdamag. Matagal-tagal na ding ipinapayo ng mga eksperto na iwasan ang paraang ito ng pagpapatuyo ng smartphone. At ngayon, mismong ang Apple na ang bumatikos at nagbibigay babala laban sa sikat na ‘trick’ sa iPhone. Narito sa halip ang dapat gawin!
Basahin din: Protektahan ang inyong iPhones! I-activate ang ‘Stolen Device Protection’ ng IOS 17.3
Apple binatikos ang paraang nakagawian ng mga users
Bakit binatikos ng Apple ang paraang nakagawian ng mga users? Dahil ang modernong mga smartphones, kasama na ang iPhone, ay may IP rating na nagsasaad ng proteksyon laban sa alikabok at tubig. Sa una, maaaring magdulot ito ng security sa mga users, ngunit maaari itong magdulot ng konting agam-agam. Ang antas ng proteksyon ng IP ay sinusubukan pagkatapos ng mga pagsusuri sa laboratoryo gamit ang malinis at sariwang tubig. Ngunit ang totoong banta sa smartphone ay hindi mismong ang tubig, kundi ang mga partikulo nito na naglalaman ng mga mineral tulad ng asin. Kaya’t hindi nakakatulong ang bigas kapag nabasa ang iPhone, at maaari pa itong lalong mapalala ang problema.
Kapag ang tubig ay nakapasok sa Lightning o sa USB-C cable, magbibigay ang iPhone ng babala. Kapag lumitaw ang alert, hindi magagamit ang smartphone o ang mga accessories sa pamamagitan ng charging cable hanggang sa muling matuyo ito.
Babala ng Apple: “Hindi dapat gawin dahil hindi nakakatulong sa iPhone”
Sa ngayon, mababasa sa website ng Apple na laban ito sa proseso ng pagpapatuyo sa pamamagitan ng paglalagay ng telepono sa bigas. “Huwag ilagay ang iPhone sa loob ng isang paketeng bigas dahil ang maliliit na butil ng bigas ay maaaring makasira dito,” ayon sa babala. Sa halip, inirerekomenda ng Apple sa mga users na itaktak ang iPhone sa palad na ang connector ay nakababa, upang lumabas ang natitirang tubig mula sa loob. Ilagay sa isang tuyong lugar kung saan may hangin. I-charge ulit ang smartphone makalipas ang 30 minutos. Kung makikita ulit ang alert, nangangahulugan na mayroon pang tubig na natitira sa loob. Muling iwan ang iPhone sa tuyong lugar na may hangin ng isang araw. Maaaring tumagal hanggang 24 oras bago ang tubig ay lubusang matuyo at mawala ang babala sa smartphone.
Hindi tubig ang nagdudulot ng pagkasira sa mga smartphone, kundi ang korosyon na nagmumula sa mga partikulo sa tubig tulad ng asin. Kaya’t mahalaga na bantayan ang smartphone mula sa pagkakaroon ng contact sa tubig, at siguruhing tuyo ito bago gamitin muli.
Source: Apple