Goodbye Whatsapp na ang ilang brand ng mobile phone simula February 29, 2024. Kung ang gamit na mobile phone ay isa sa makikitang nakalista sa ibaba, kinakailangan mo ng bumili ng bago, sapagkat hindi mo na ma-aaccess ang kilalang instant messaging application. Ang balita na ang ilang mga smartphone ay hindi na angkop sa whatsapp ay inanunsyo ng Meta, na bukod sa Facebook, ay nagmamay-ari rin ng Whatsapp.
Basahin din: Unknown international number na tawag sa WhatsApp? Dapat bang sagutin?
Goodbye Whatsapp: Ano ang dahilan?
Tingnan natin ngayon ang dahilan ng malaking pagbabagong ito. Simple lang: ang operating system ng mga mobile phone na babanggitin sa ibaba ay hindi na masusuporta ang mga susunod na updates ng app, at ang mga bagong function ng app na integrated sa AI (artificial intelligence). Sa katunayan, ang pagdating ng artificial intelligence sa Whatsapp, ay magpapahintulot na lumikha ng mga personalized pictures at sticker batay sa mga description, makakasagot sa mga tanong at makakapagsearch. Isang uri ng virtual assistance kung saan maaaring makapagtanong o magsearch sa anumang pangangailangan.
Upang mainstall, ma-update at magamit, ang application ay nangangailangan ito atleast ng Android 5.0. Ang mga nakaraang version ng operating system ay hindi sapat upang magamit ito. Bukod dito, kinakailangang magkaroon ng sapat na space para sa app na hindi bababa sa 300 MB. Dahil dito hindi na posibleng i-update ang application gamit ang ilang mobile phone. At bilang resulta, hindi na mabubuksan pa at magagamit ang app.
Artificial Intelligence sa WA, ano ang mga risks?
Sa katunayan, ang presensya ng AI sa WA ay nagbubukas ng pinto sa ilang mga risks. Partikular, ang function ay nagpapahintulot na “change your voice” at gamitin ito upang makalikha ng ilang uri ng fraud na nakakabahala.
Sa ilang mga kaso, maaaring i-activate ang function na “secret code” sa whatsapp. Upang magawa ito, dapat i-click sa indibidwal na chat, pagkatapos sa three dots icon, piliin ang “Group information” at pagkatapos ay “Chat block”. Kapag tapos na ito, pumunta sa “Blocked chats” pagkatapos ay sa setting at i-click ang “secret code”. Pagkatapos gawin ito, maaaring gumawa ng karagdagang password na magbibigay daan na ma-access ang chat.
Basahin din: Artificial Intelligence? Narito ang mga dapat malaman ukol sa Benepisyo at Misteryo na hatid nito
Aling mga telepono ang mawawalan ng WhatsApp simula February 29?
Nasa ibaba ang listahan ng mga modelo ng smartphone na hindi na makaka-access mula Febrero 29, gaya ng mababasa sa Money.it. Mapapansin na kabilang sa mga ito ay masasabing widespread model.
- Samsung Galaxy Core
- Samsung Galaxy Trend Lite
- Samsung Galaxy Ace2
- Samsung Galaxy s3 Mini
- Samsung Galaxy Trend II
- Custodia Samsung Galaxy X2.
- LG Optimus L3 II Doppio
- LG Optimus L5 II
- LG Optimus F5
- LG Optimus L3 II
- LG Optimus L7II
- LG Optimus L5 Doppio
- LG Optimus L7 doppio
- LG Optimus F3
- LG Optimus F3Q
- LG Optimus L2II
- LG Optimus L4 II
- LG Optimus F6
- LG emanare
- LG Lucido 2
- LG Optimus F7
- Huawei Ascend Compagno
- Huawei Ascend G740
- Huawei Ascend D2
- Sony Xperia M
- Lenovo A820
- ZTE V956-UMI X2
- ZTE Grand S Flex
- Promemoria ZTE
- Faea F1THL W8
- Wiko Cink Five
- Winko Notte Oscura
- Archos 53 Platino
- iPhone 6S
- iPhone SE
- iPhone 6S Plus