Skip to content
Home » ISEE 2024: Alamin ang uri ng ISEE na angkop sa iyong pangangailangan!

ISEE 2024: Alamin ang uri ng ISEE na angkop sa iyong pangangailangan!

25/02/2024 22:39 - INI-UPDATE 25/02/2024 22:40
ISEE 2024 mga uri at mga gamit nito

ISEE 2024: ang mga uri at mga gamit nito: Sa pag-aaplay ng DSU (Dichiarazione Sostitutiva Unica) para sa ISEE (o Equivalent Economic Situation Indicator) 2024, mahalagang malaman na may iba’t ibang uri ng sertipikasyon na maaaring hingin bilang aplikante. Hindi palaging ang regular o standard na ISEE ang angkop sa lahat ng sitwasyon. Alamin ang uri ng ISEE na angkop sa iyong pangangailangan! Basahin din: Handa na ba ang ISEE para sa pag-aaplay ng bonus? Narito ang mga pangunahing bonus 2024 na batay sa ISEE

Ang iba’t ibang uri ng ISEE 2024 at para saan ang gamit nito

  1. Regular o Standard ISEE – Ito ang pinakamadalas na ginagamit na sertipikasyon ng mga may mababang kita na nais humingi ng mga bonus at pribilehiyo mula sa gobyerno ng Italya.
  2. ISEE para sa Unibersidad – Ito ang sertipikasyon para sa pag-access sa mga benepisyo para sa pag-aaral sa unibersidad. Ito ay importante lalo na para sa mga pamilya ng mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong pinansyal. May mga kakaibang pamantayan para dito, kabilang ang presensya ng mga magulang o kalagayan ng mag-aaral.
  3. ISEE Socio-sanitary – Ginagamit ito para sa mga programa sa doktorado at nagpapahintulot sa pag-access sa mga serbisyo para sa kalusugan at kalinga tulad ng home services para sa mga taong may kapansanan.
  4. ISEE Socio-sanitary residences – Ito ay para sa mga residentyal na serbisyo tulad ng pagtira sa mga Socio-Sanitary Assistance Facilities.
  5. ISEE para sa mga Menor – Ginagamit ito para sa mga menor de edad na nangangailangan ng benepisyo tulad ng Assegno Unico. May mga espesyal na patakaran depende sa sitwasyon ng pamilya. Partikular, sa kaso ng pagkakaroon ng isang magulang lamang, o magulang na hindi kasal at hindi kasamang naninirahan (non conviventi).
  6. ISEE Corrente ay ang updated na ISEE ng kita sa nakaraang 12 buwan. Ginagamit ito kapag may malaking pagbabago sa kita o sa sitwasyong pinansyal ng pamilya.

Sa madaling sabi, ang iba’t ibang uri ng ISEE ay may layuning maging instrumento sa pagtanggap ng tamang benepisyo.
Basahin din:Mula ISEE Ordinario sa ISEE Corrente: Narito kung paano matatanggap ang mga bonus

Source: INPS