Skip to content
Home » Mula Certificato Anagrafico hanggang Cambio di Residenza sa isang click. Narito ang Anagrafe online!

Mula Certificato Anagrafico hanggang Cambio di Residenza sa isang click. Narito ang Anagrafe online!

31/01/2024 23:51 - INI-UPDATE 02/02/2024 19:31
anagrafe online certificato anagrafico cambio residenza

Ang lahat ng mga residente sa Italya ay posibleng magkaroon ng kailangang digital certificate tulad ng certificato di residenza o certificato dello stato di famiglia o ang mag-request ng cambio di residenza nang walang pagod. Maaaring gawin ang mga ito kahit walang panahon, sa pamamagitan ng isang click lamang at hindi na kailangang magpunta pa sa Comune. Narito ang Anagrafe online.

Certificato Anagrafico

Sa pamamagitan ng website ng ANPR o Anagrafe Nazionale della Popolazione Residente o Anagrafe online ay maaaring i-download ang kailangang certificato anagrafico. Sa isang click lamang ay magkakaroon ng official copy ng kailangang sertipiko. Samakatwid, hindi na rin kakailanganin ang magpunta ng Comune at ang magbayad ng € 16,00 para sa marca da bollo o stamp. 

Ang tanging requirement lamang ay ang pagiging rehistrado sa Anagrafe at ang pagkakaroon ng SPID o CIE.

Maaari ring mag-request ng certificato anagrafico para sa miyembro ng pamilya na kasama sa Stato di famiglia, sa pamamagitan ng pagpili sa “richiedi per la tua famiglia”. 

Hindi nagtatapos sa mga nabanggit ang ginhawang hatid ng Anagrafe online. Ito ay nagbibigay din ng preview ng kailangang dokumento, upang makitang mabuti at masuri ang pagiging wasto ng bawat detalye.

At bilang panghuli, makakapili din kung nais ang kopya ng digital certificate bilang pdf file o sa pamamagitan ng email.

Anu-anong certificato anagrafico ang maaaring i-download?

  1. certificato anagrafico di nascita
  2. certificato di cittadinanza di residenza
  3. stato di famiglia
  4. certificate di residenza
  5. certificato di stato civile
  6. certificato anagrafico di matrimonio
  7. certificato di residenza in convivenza
  8. certificato anagrafico di unione civile
  9. certificato di stato libero
  10. certificato di contratto di convivenza
  11. certificato di cittadinanza
  12. certificato di esistenza in vita
  13. certificato di cittadinanza di Residenza AIRE
  14. Stato di famiglia AIRE
  15. Stato di famiglia con rapporti di parentela

Bawat sertipiko ay nagtataglay ng logo ng Ministry of Interior at may nakasulat na ‘Anagrafe Nazionale della Popolazione Residente”. Bukod dito, ay may QR code at dry seal ng Ministry of Interior, hindi nakikita ngunit ginagarantiya nito ang pagiging tunay ng dokumento.  

Bukod sa mga certificati anagrafici digitali, ay maaari ring gawin sa Anagrafe online ang Cambio di Residenza.

Cambio di Residenza

Sa pamamagitan ng Anagrafe online ay maaari ring gawin ang komunikasyon ng cambio di residenza, sa sariling Comune o sa ibang lugar. Partikular, kung dapat na maipadala agad ang deklarasyon sa Comune na lilipatan ukol sa bagong address at ang mga pangalan ng kasamang lilipat ng tirahan. 

Sapat na ang mag-log in gamit ang SPID o CIE at gawing ang angkop na deklarasyon. Siguraduhing tama ang bawat datos at detalyeng ilalagay.

Maaaring masubaybayan ang status ng request ng cambio di residenza sa sariling profile. Matatanggap din ang status ng request sa pamamagitan ng email. 

Source: Ministero dell’Interno at Anagrafe Nazionale della Popolazione Residente